IQNA

Paaralang Quran ng Novi Pazar: Isang Sentro para sa Muling Pagkabuhay ng Islamikong Pagkakilanlan sa Serbia

19:34 - August 01, 2025
News ID: 3008700
IQNA – Ang Paaralang Quran ng Novi Pazar sa Serbia ay isa sa pinakamahalagang sentro ng edukasyon ng Quran sa Balkans, na alin nagsisikap na buhayin ang pagkakakilanlan ng Islam ng mga Muslim sa rehiyon at ituro ang Quran at ang pagkakahulugan nito sa mga interesado.

The Novi Pazar Quran School in Serbia

Ang Paaralang Quran ng Novi Pazar ay kumakatawan sa pang-edukasyon at espirituwal na pag-unlad ng Bosnianong mga Muslim pagkatapos ng mga dekada ng relihiyosong pag-uusig at ang pagbura ng kanilang pagkakakilanlan.

Mula nang itatag ito noong 2010, ang paaralan ay naging isang sentrong Quraniko kung saan libu-libong tao sa lahat ng mga edad ang pumupunta upang matuto ng Salita ng Pahayag at nag-uugnay sa mga henerasyon sa kanilang pagkakakilanlan sa Islam.

Ayon kay Irfan Malich, direktor ng Paaralang Quran ng Novi Pazar, ang paaralan, na kaanib ng Koponan na Islamiko ng Serbia, ay kasalukuyang nagpapatala ng higit sa 3,000 lalaki at babae na mga mag-aaral sa higit sa 30 na mga sangay sa buong bansa, kabilang ang Belgrade, ang kabisera, gayundin ang mga sangay sa mga bansang Uropiano kung saan nakatira ang Bosnianong mga Muslim.

"Nagtatag kami ng mga sangay sa bawat lungsod at nayon upang walang lugar na walang paaralan ng Quran," sabi ni Malic, na binabanggit na ang mga mag-aaral ng paaralan ay nagmula sa lahat ng mga pangkat ng edad, mula 6 hanggang 70, at nagkakaisa ng kanilang pagmamahal sa Quran.

Ilang mga dekada na ang nakalilipas, dahil sa panahon ng komunista na tumagal hanggang sa unang bahagi ng 1990, ang pagbigkas ng Quran sa Latin na iskrip ay karaniwan sa Serbianong mga Muslim. "Noong panahong iyon, wala ni isa sa amin ang nakasaulo ang Quran," sabi ni Malic. Ngunit ipinagmamalaki niyang idinagdag, "Ngayon ay mayroon na tayong mga magsasaulo, na ang ilan ay nakatanggap ng mga sertipiko."

Ang paaralang ito ay nag-aalok ng edukasyon sa Quran sa iba't ibang mga antas, simula sa pag-aaral ng mga titik ng Arabik, pagkatapos ay ang mga tuntunin ng pagbigkas at intonasyon, at sa wakas ay pagsasaulo ng huling mga Juz (mga bahagi) ng Quran hanggang sa maabot ng mag-aaral ang antas ng pagsasaulo ng buong Quran.

Sa pagbibigay-diin sa malalim na epekto ng institusyon, si Emilja Alickovic, isang guro sa paaralan, ay nagsabi, "Isang pagpapala mula sa Diyos na ang ating lungsod ay may paaralan kung saan binibigkas natin ang Quran habang binibigkas ito ng ating Propeta."

Si Sima Gecic, isang mag-aaral ng Quran sa New Quran School sa Pazar, ay nagsabi, "Sinusubukan kong pumunta dito araw-araw. Dito ko natutunan ang Quran at Arabik at naiintindihan ang aking relihiyon."

Upang palakasin ang diwa ng kumpetisyon at lumikha ng pagganyak, ang paaralang ito ay nagdaos ng 11 lokal na mga kumpetisyon sa Quran at lumahok din sa pandaigdigan na mga kumpetisyon, na nakamit ang nangungunang mga posisyon, kabilang ang unang puwesto sa isa sa mga kumpetisyon sa Quran sa Mekka.

Sa panimulang mga klase, ang mga mag-aaral ay nagsisimula sa mga titik, pagkatapos ay tinuturuan ng pagsasaulo at pagpapakahulugan, habang natututo din ng mga pagpapahalaga sa Islam, paliwanag ni Jannah Abdullah, isa pang guro sa paaralan. "Ipinapaliwanag namin ang mga Surah at kinukuha ang mga halaga ng Islam mula sa kanila upang turuan ang mga mag-aaral kung paano mamuhay ayon sa mga utos ng Diyos."

Mahigit isang dekada matapos itong itatag, ang Paaralang Novi Pazar ay naging higit pa sa isang institusyong pang-edukasyon, ngunit isang espirituwal na liwanag na nagpapanatili sa presensiya ng Islam sa Serbia at muling binuhay ang pagkakakilanlan ng Islam at ang mga taong halos nawalan ng ugnayan sa Quran.

Sa isang bansa na walang kahit isang magsasaulo ng Quran tatlong mga dekada na ang nakalilipas, sa kabila ng paaralang ito, ang mga tunog ng pagbigkas ay dumarami, ang mga magsasaulo ay nagtatapos, at ang mga bagong salinlahi ay nagdadala ng Aklat ng Diyos sa kanilang mga puso sa pamamagitan ng pagsasaulo ng Quran.

 

3494075

captcha