Ayon sa mga opisyal ng banal na dambana, ang mga simbolo ng pagluluksa ay hudyat ng pagsisimula ng malawakang paghahanda upang tanggapin ang libo-libong mga debotong inaasahan sa taunang okasyon. Ayon kay Ahmad al-Zurkani, pinuno ng bahagi ng mga tagapaglingkod sa dambana, halos 2,500 na mga boluntaryo ang magpapatibay sa mga serbisyong departamento sa loob ng dalawang araw na paggunita.
“Itatalaga sila sa mga departamento kabilang ang pampublikong mga serbisyo, pagpapanatili ng kaayusan, pangkababaihan na mga kapakanan, pagtanggap ng panauhin, at isang yunit ng paggabay para sa mga nawawala,” pahayag niya ayon sa website ng dambana.
Dagdag pa niya, ang sentrong medikal na ipinangalan sa Propeta ay susuportahan din ng mga sinanay na kawani, habang ang mga tagasalin at mga espesyalista ay magiging handa upang tumulong sa pandaigdigan na mga bisita.
“Ang lahat ng mga boluntaryo ay nakarehistro sa isang detalyadong database, at ang kinakailangang mga gamit ay naibigay upang matiyak na magampanan nila ang kanilang mga tungkulin,” ayon kay al-Zurkani.
Nagtakda ang mga awtoridad ng dambana ng isang komprehensibong plano upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga peregrino na nagbibigay-pugay kay Imam Ali (AS) at nagluluksa sa pagpanaw ng Propeta (SKNK), na alin naganap sa Medina noong taong 11 AH (632 CE).
Ang ika-28 araw ng buwan ng Safar sa kalendaryong Hijri, na alin natapat ngayong Biyernes, Agosto 22, ay nagmamarka ng anibersaryo ng pagpanaw ng Banal na Propeta (SKNK) at ng anibersaryo ng pagiging bayani ni Imam Hassan (AS).