Ang tagumpay na ito ay bunga ng pinagsamang moral, panlipunan, at intelektuwal na mga salik, ayon kay Hojat-ol-Islam Seyed Ali Akbar Norui, isang iskolar ng Unibersidad ng Jamiat al-Zahra (AS), sa isang panayam ng IQNA kaugnay ng anibersaryo ng pagpanaw ng huling sugo ng Diyos.
Ang pagiging mahinahon, mapagpatawad, paghingi ng kapatawaran para sa iba, pakikipagsanggunian sa mga tao, dakilang pagkatao, pagpapatawad sa personal na mga bagay, mabuting pangalan bago ang kanyang misyon, at ang kanyang pagkamakatarungan at karunungan ng Propeta (SKNK) ay kabilang sa pinakamahalagang mga salik sa pagkakabuo ng isang nagkakaisang bansang Islamiko, ayon sa kanya.
“Ito ang nagbigay-daan upang ang mga taong may magkakaibang mga kaugalian at mga tradisyon, at maging ang may mga pagkakaiba sa tribo at etnisidad, ay magkaisa sa paligid ng Banal na Propeta (SKNK).”
Dagdag pa ng kleriko na sa talata 159 ng Surah Al-Imran, pinaalalahanan ng Makapangyarihang Diyos ang Banal na Propeta (SKNK) na ang dahilan ng pagtitipon at pagkakaisa ng mga tao sa kanyang paligid ay ang kanyang banayad ng moral at diwa ng pagpaparaya at awa.
“Kung ang Propeta (SKNK) ay naging mabagsik at matigas ang puso, ang mga tao ay sana nagkawatak-watak sa kanyang paligid.”
Dagdag ni Hojat-ol-Islam Nouri, tatlong pangunahing mga salik ang naging mahalaga sa pagkakamit ng mga puso at pagbuo ng pagkakaisa sa pamamagitan ng pag-uugali ng Banal na Propeta (SKNK).
“Una, ang pagpapatawad at pag-unawa sa mga pagkakamali ng mga tao, na alin nagbigay sa kanya ng kanilang pagmamahal at tiwala. Ikalawa, ang paghingi ng kapatawaran para sa mga tao, ibig sabihin ay ang paghingi sa Diyos ng kapatawaran para sa kanila, na nagpapakita ng habag at malasakit ng Propeta (SKNK) sa kapakanan ng iba. At ikatlo, ang pakikipagsanggunian sa mga tao hinggil sa panlipunang usapin ay nagbigay sa kanila ng dangal at kakayahang makilahok sa paggawa ng desisyon. Ang mga katangiang ito, kasama ng kahinahunan at kabutihan, ay nagbigay ng matibay na pundasyon para sa pagkakaisang panlipunan.”
“Bukod dito, ang Propeta (SKNK) ay nagtaglay ng walang kapantay na karunungan at katalinuhan, at sa patnubay ng Diyos, unti-unti niyang natanggal ang mga hadlang sa pagkakaisa ng mga nagkakawatak-watak na tribo, sa kabila ng lipunan noong panahong iyon na puno ng matagal nang alitan at pagkakaaway ng mga tribo. Siyempre, hindi ibig sabihin nito na walang mga pagkakaiba o pagtatalo sa pamayanang Islamiko. Gayunpaman, nagawa ni Propeta Muhammad (SKNK) na bumuo ng isang magkakaugnay na komunidad mula sa nagkawatak na mga tribo, makalikha ng isang nagkakaisang hukbo upang sakupin ang Mekka at ipagtanggol ang mga hangganan ng Islam, at sa huli ay makabuo ng isang nagkakaisang bansa.” Tinanong ng IQNA ang kleriko: kung titingnan natin ang buhay ng Propeta (SKNK) sa makabagong pananaw, aling bahagi ng kanyang buhay ang maaaring maging inspirasyon sa makabagong daigdig? Sinabi niya na ang katotohanan ng tao ay hindi at hindi kailanman magbabago ngayon, noon, at sa hinaharap. “Ang tao ay tao, at ang kanyang materyal at espirituwal na pangangailangan ay hindi naiiba kahapon, ngayon, at bukas. Hindi natin dapat isipin na ngayon, halimbawa, isang bahagi ng Islam ang maaaring maging tagapagligtas, kundi ang kabuuan ng Islam ay dapat na ipatupad sa lipunang pantao kahapon, ngayon, at bukas upang ang sakit ng sangkatauhan ay magamot.” Dagdag pa niya, “Kung nais nating tiyak na sagutin kung ano ang maaaring maging inspirasyon, dapat tayong bumalik sa mga talata ng Quran kagaya ng talata 10 at 11 ng Surah As-Saff.
Itinatakda ng mga talatang ito ang paraan upang mapagaling ang sakit ng tao at sinasabi na dapat munang tanggapin ng mga tao ang Diyos at maniwala sa Kanya, pagkatapos ay maniwala sa Sugo ng Diyos (SKNK), at saka magsikap sa landas ng Diyos gamit ang kanilang mga buhay at yaman.
“Ang landas na ito ay nagliligtas sa tao mula sa mga kaguluhan, mga pagkabalisa, at mga alalahanin, at inihahatid siya sa baybayin ng kapayapaan at tumutugon para sa kanyang materyal at espirituwal na pangangailangan. Samakatuwid, ang landas tungo sa kaligtasan ng tao ay pananampalataya sa Diyos, pananampalataya sa Sugo ng Diyos (SKNK), at Jihad sa landas ng Diyos.”
Nang tanungin tungkol sa mensaheng maaaring makuha mula sa Propeta (SKNK) para sa makabagong mundo, na alin pinahihirapan ng moral at panlipunang krisis, sinabi ni Hojat-ol-Islam Nouri na kung nais ng sangkatauhan na gumaling ang kanyang mga sugat, kinakailangan ang pananampalataya sa Diyos at paniniwala sa misyon ng mga Propeta (SKNK) sa bagay na ito.
“Kung walang paniniwala sa katotohanang iniingatan ng Diyos ang sangkatauhan at itinakda Niya ang lunas para dito, walang sakit ng tao ang malulunasan. Ang gamutang itinakda para sa sakit ng tao, na alin siyang parehong sakit noon at ngayon ng sangkatauhan, ay nakasaad sa Banal na Quran.”
Binanggit niya ang Talata 64 ng Surah Al-Imran: “(Muhammad), sabihin mo sa mga Tao ng Aklat, ‘Tayo’y dapat dumating sa isang karaniwang kasunduan. Huwag tayong sumamba sa iba maliban sa Diyos, ni huwag isiping may katumbas Siya, ni huwag ituring ang sinuman sa atin bilang panginoon bukod sa Diyos.’ Subalit kung sila’y tumalikod (sa Katotohanan), sabihin mo sa kanila, ‘Magpatotoo kayo na kami ay nagpasakop sa kalooban ng Diyos.’”
Dagdag ng kleriko, “Ang mensahe ng Banal na Propeta (SKNK) para sa makabagong mundo ay dapat nating kilalanin ang Diyos at ang Kanyang mga propeta sa ating mga buhay, na walang tao ang dapat na nakahihigit sa iba, na ang lahat ng tao ay dapat na pantay-pantay at lingkod ng Diyos.
Na ang buhay ay dapat maging makatarungan at naaayon sa kakayahan at pangangailangan ng bawat indibidwal, at na ang panlipunan at pang-ekonomiyang mga suliranin ay dapat lutasin nang may katarungan at karunungan.
“Ang pagpapatupad ng mga prinsipyong ito ay magliligtas sa sangkatauhan mula sa moral at panlipunang mga krisis at maghahatid sa isang maliwanag at mapayapang kinabukasan para sa mga lipunang pantao. Sa huli, ang ganap na katuparan ng gamutang ito ay nangangailangan ng pagdating ng tunay na Tagapagligtas (na nawa’y pabilisin ng Diyos ang Kanyang masayang pagdating) at ang kahandaan ng sangkatauhan na tanggapin Siya.”