Si Mamosta Fayeq Rostami, ang kinatawan ng mamamayan ng Kurdistan sa Kapulongan ng mga Dalubhasa, ang nagsalita sa pambungad na seremonya ng huling yugto ng ika-48 Pambansang Banal na Quran Kumpetisyon ng Iran.
Ang seremonya ay ginanap sa Fajr Cultural Complex sa Sanandaj, kabisera ng lalawigan ng Kurdistan, noong Sabado.
Binigyang-diin ni Rostami ang mataas na antas at kadakilaan ng Banal na Quran at sinabi na ang paggalang sa banal na aklat na ito ay, sa katunayan, isang pagyuko sa pinagmumulan ng karunungan, kagalingan, awa, at isang sanhi ng personal at panlipunang pag-unlad at kaunlaran.
Ang kadakilaan ng banal na salitang ito ay gayon na lamang na hindi lamang mga Muslim, kundi maging maraming tanyag na di-Muslim na mga pilosopo at mga intelektuwal ay kumilala rito, ayon sa kanya.
Binanggit ng nakatatandang kleriko ang sinabi ng isang banyagang iskolar na sa kabila ng pagkakaroon ng libo-libong mga aklat, wala raw ni isa na kasing-hikayat ng Quran, at ito raw ang nagtulak sa kanya na maniwalang ang aklat na ito ay hindi salita ng tao o ng mga jinn, kundi isang banal na paanyaya tungo sa pagkilos, katarungan, awa, at pagpapabuti ng mga buhay ng sangkatauhan.
Binanggit ni Rostami ang sinabi ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan): “Ang mga puso ay kinakalawang katulad ng bakal, at ang Quran ang siyang naglilinis nito at nagdadala ng kapayapaan.” Ayon kay Rostami, ang Quran ay ang liwanag na gumagabay sa sangkatauhan tungo sa liwanag, pagpapala, at espiritwal na kapayapaan.
Itinuring din niya ang paglaganap ng kulturang Quraniko, lalo na ang pagkakaroon ng libo-libong mga tagapagbasa ng Quran sa bansa at sa rehiyon ng Sanandaj, bilang isang palatandaan ng malalim na interes ng mga tao sa Banal na Aklat na ito.
Tinapos niya sa pagsasabing ang tugatog ng kadakilaan ng Quran ay ito ang pinagmumulan ng dangal at karangalan ng tao, at ito ang gumagabay sa kanila tungo sa pagsamba at wastong landas. Tulad ng sinabi ni Imam Ali (AS) na binanggit ang Banal na Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan), isinugo ng Diyos ang Quran upang ang daigdig ay maliwanagan ng liwanag nito at ang sangkatauhan ay makalabas mula sa kadiliman tungo sa banal na awa at kaliwanagan.
Ang Pambansang Kumpetisyon ng Banal na Quran ng Islamikong Republika ng Iran, na inorganisa ng Samahang Awqaf at Kawanggawa na mga Kapakanan, ay ang pinakamalaking patimpalak ng Quran sa Iran, na umaakit ng mga kalahok mula sa iba’t ibang mga panig ng bansa upang magtagisan sa iba’t ibang mga kategorya.
Ang taunang kumpetisyon, na itinuturing na pinakamataas na prestihiyosong kaganapang Quraniko sa Iran, ay naglalayong itaguyod ang mga pagpapahalagang Islamiko, palaganapin ang kaalaman sa Quran, at parangalan ang natatanging mga talento. Ito ay ginaganap sa iba’t ibang mga kategorya, kabilang ang pagbasa ng Quran, Tarteel, pagsasaulo, at Adhan (panawagan sa pagdasal).
Ang nangungunang mga nagwagi ay kakatawan sa Iran sa pandaigdigang mga patimpalak ng Quran sa iba’t ibang bahagi ng mundo.