IQNA

Tinitingnan ng Kanluran ang Islam Bilang Isang Umiiral na Banta: Isang Pranses na Iskolar

16:30 - October 19, 2025
News ID: 3008979
IQNA – Isang kilalang propesor ng Kanlurang mga pag-aaral sa Pransya ang nagsabi na tinitingnan ng Kanluran ang Islam hindi bilang isang suliraning pangkultura kundi bilang isang umiiral na banta, at ginagamit umano ang karapatang pantao bilang kasangkapan ng dominasyon.

Olivier Roy, a prominent French thinker and professor of Oriental Studies

Si Olivier Roy, isang kilalang Pranses na pilosopo at propesor ng Kanlurang pag-aaral, ay nagbigay ng kritikal na pagsusuri tungkol sa ugnayan ng Kanluran at ng mundong Islamiko sa isang panayam ng Al Jazeera. Nakatuon ito sa ebolusyon at pagbabago ng konsepto ng Orientalismo, sa papel ng diskursong Kanluranin sa paglikha ng negatibong pananaw tungkol sa Islam at sa mga Muslim, at sa paggamit ng mga konsepto tulad ng progreso at karapatang pantao bilang kasangkapan ng kolonyalismo na nagkukubli sa moralidad. Si Roy, dating direktor ng pananaliksik sa French National Center for Scientific Research (CNRS) at dating direktor ng pag-aaral sa French School of Advanced Social Sciences (EHESS), ay nagsimula ng kanyang karera sa Afghanistan noong 1969 bilang isang binatilyong bagong nagtapos sa mataas na paaralan.

Naglibot siya sa mga lansangan ng Kabul, pinagmamasdan ang buhay sa mga lungsod ng Silangan. Kalaunan, nag-aral siya sa Gitnang Asya, sa sinaunang mga lungsod ng Uzbekistan at Tajikistan, bago bumalik sa Paris upang kumuha ng doctorate sa pilosopiya at magturo sa iba’t ibang unibersidad at institusyong Pranses. Siya rin ang may-akda ng mahahalagang aklat sa larangan ng sosyolohiya ng Islam at relihiyon, na karamihan ay naisalin na sa wikang Arabik. Kabilang sa mga ito ang “Confronting Islam and Secularism”, “Sacred Ignorance”, “The Time of Religion without Culture”, “Jihad and Death”, at “Globalized Islam.”

Binibigyang-diin ni Roy na ang Orientalismo ay hindi lamang produkto ng panahon ng kolonyalismo, kundi umiiral na bago pa man ito. Nagsimula ito noong huling bahagi ng ika-18 siglo bilang isang akademikong disiplina na nakatuon sa pag-aaral ng “Kanluran” bilang isang natatanging sibilisasyon. Ang unang mga Orientalista sa Uropa ay humanga sa sibilisasyong Islamiko, subalit itinuturing nila ito bilang isang maluwalhating nakaraan na wala nang saysay sa kasalukuyan. Naniniwala si Roy na ang ganitong pananaw ay naging bahagi ng diskurso ng Kanluran, na tinitingnan ang mundong Islamiko na tila “naligaw sa landas ng progreso at sekularismo” at kailangang magsimula muli at matuto ng “modernidad” mula sa Kanluran.

Binanggit ni Roy na ang ganitong pananaw ay hindi lamang limitado sa Kanluran kundi tinanggap din ng ilang mga lider sa mundong Islamiko, tulad ni Mustafa Kemal Ataturk, na nakita ang pangangailangang alisin ang mga tradisyonal na institusyong pang-edukasyon at pangkultura at lumikha ng “makabagong” mga institusyon na ginaya mula sa Kanluran.

 

Sekularismo: Isang Paraan ng Kontrol

Binatikos ni Roy ang palagay ng Kanluran na “ang progreso ay makakamit lamang sa pamamagitan ng sekularismo,” na aniya’y naging isang pangkalahatang paniniwala at naging batayan ng pagiging kabilang sa makabagong panahon.

Dagdag pa niya, ang ganitong pananaw ay hindi inosente kundi ginamit sa pulitikal na paraan sa konteksto ng kolonyalismo.

Bilang halimbawa, binanggit niya ang Pransiya, na sa simula ay walang interes sa kulturang Algeriano, ngunit kalaunan ay nagtayo ng mga institusyong gaya ng mga paaralan ng batas Islamiko sa ilalim ng pamamahalang Pranses—hindi upang kilalanin ang lokal na kultura, kundi upang kontrolin at muling hubugin ito para sa layunin ng kolonyal na dominasyon.

 

Sinasabing Pagiging Pandaigdigan

Mariing binatikos ni Roy ang paggamit ng Kanluran sa diskurso ng karapatang pantao, na aniya’y ang 1947 Universal Declaration of Human Rights ay halos ganap na kumakatawan lamang sa pananaw ng Kanluran, kaya’t ang tinatawag nitong “pagiging pandaigdigan” ay isa lamang anyo ng pag-eksport ng kulturang Kanluranin.

Sabi niya, naging kasangkapan ang ganitong diskurso upang ipataw ang isang partikular na modelong pangkultura, na binabalewala ang lokal na mga konteksto o itinuturing silang salungat sa pandaigdigang mga konsepto, gaya ng relihiyon o mga di-Kanluraning pagpapahalagang panlipunan.

Ibinigay ni Roy ang magkaibang tindig ng Kanluran sa pandaigdigang mga isyu, gaya ng digmaan sa Ukraine at masaker sa Gaza, bilang halimbawa na ang sinasabing makatuwirang paninindigan ay isinasaayos lamang batay sa interes na pampulitika at pangheopolitika.

 

Mula sa Sibilisasyon Hanggang sa Hamon

Ipinaliwanag ni Roy na ang pinakamapanganib na pagbabago sa diskurso ng makabagong Orientalismo ay ang paglipat ng pananaw mula sa “Islamikong Silangan bilang isang sibilisasyon” tungo sa “isang relihiyosong hamon.”

Mula dekada 1970, hindi na tinitingnan ang Islam bilang bahagi ng kultura kundi bilang isang direktang banta sa Kanluran, at naging dahilan ng kriminalisasyon ng mga lipunang Muslim. 

West Sees Islam as An Existential Threat: French Scholar

Ang mga simbolo ng pananampalataya katulad ng hijab o pag-iwas sa alak ay awtomatikong iniuugnay sa awtoritaryanismo at kawalan ng kalayaan.

Dagdag pa niya, hindi na tinitingnan ang Islam bilang bahagi ng pagkakaibang pangkultura kundi bilang pangunahing kalaban ng karapatang pantao—isang pananaw na nasasalarawan sa bansag na “Islam laban sa modernidad.”

 

Kasalukuyang Krisis ng Kanluran: Pagkakakilanlan sa Halip na mga Prinsipyo

Ayon kay Roy, nasasaksihan ngayon ng Kanluran ang pagbagsak mula sa “diskurso ng pandaigdigan na mga pagpapahalaga” tungo sa “diskurso ng pagkakakilanlan at pag-aalis,” lalo na sa pag-usbong ng mga populistang retorika. Binanggit niya ang Pransiya bilang halimbawa—bagaman nagbibigay ang kanilang konstitusyon ng kalayaan sa paniniwala, ang mga pagpapahayag ng relihiyong Islamiko ay itinuturing na banta sa pagkakaisa ng bansa. Ang kabalintunaan, sabi niya, ay nasa katotohanang ang mga bansang nagsusulong ng pluralismo sa labas ay siya ring pumipigil sa pagkakaiba-iba sa loob ng kanilang sariling teritoryo.

Dagdag pa ni Roy, ang mga demokrasya sa Kanluran ay dumaranas ng isang istruktural na krisis at hindi talaga “banta ng Islam” ang ugat ng problema, gaya ng madalas ipalaganap, kundi ang pagguho mula sa loob dulot ng populistang mga kilusan. Samantala, karamihan sa mga Muslim sa Uropa—maging sa unang at ikalawang henerasyon—ay naniniwala sa demokrasya at nagnanais ng integrasyon, ngunit may paggalang sa kanilang kalayaang panrelihiyon.

Ipinunto ni Roy na ang mga Muslim sa Kanluran ay humihiling ng mga karapatang garantisado ng konstitusyon, tulad ng karapatang magpraktis ng relihiyon o magkaroon ng halal na pagkain, ngunit madalas itong ipinagkakait. Idinagdag niya na ang mga Muslim ay hindi laban sa demokrasya, ngunit ipinapakita silang ganito sa diskursong pampolitika ng Kanluran para sa pansariling interes ng mga pulitiko.

Dagdag pa niya: Ang pagkakaiba ng pagtrato sa mga partidong Islamista kumpara sa mga umuusbong na makakaliwang nasyonalista sa ropa, gaya ng Rally for Nationalism sa Pransiya at Alternatibo para sa Alemanya, ay nagpapakita ng dobleng pamantayan—ang mga Islamista ay ipinagbabawal sa pulitika, samantalang pinapayagan ang mga ekstremistang kanan na palawakin ang kanilang kapangyarihan.

 

Krisis ng Orientalismo at Problema ng Kanluran

Tinapos ni Roy sa pagsasabing ang mundong Kanluranin ay kasalukuyang nasa gitna ng panloob na tunggalian sa pagitan ng pandaigdigam na mga prinsipyo at ng pagkahilig sa makitid na pagkakakilanlan at pag-aalis sa iba. Aniya, hindi na ito tunggalian ng dalawang mga sibilisasyon, gaya ng sinabi ni Samuel Huntington, kundi tunggalian sa pagitan ng pagkakakilanlan at prinsipyo. Sa imahinasyon ng Kanluran, nagiging pangunahing banta ang Islam, hindi lamang bilang pangkultura o relihiyosong kaibahan. Tinapos ng Pranses na pilosopo at akademiko sa pagsasabing ang tunay na problema ng Kanluran ay nasa kabiguan nitong isakatuparan ang pagkakapantay-pantay sa loob ng sarili, ang dobleng pamantayan nito sa labas, at ang unti-unting pagkawala ng paniniwala nito sa pangunahing mga pagpapahalaga, kabilang na ang demokrasya.

 

3495047

captcha