IQNA

Inilunsad sa Qatar ang Rehistrasyon para sa Sheikh Jassim na Paligsahan ng Quran

15:24 - October 20, 2025
News ID: 3008981
IQNA – Binuksan na ang rehistrasyon para sa ika-30 edisyon ng Sheikh Jassim bin Muhammad bin Thani ang Kumpetisyon ng Quran sa Qatar.

Contestants in a Quran competition in Qatar

Inanunsyo ng komite ng pag-aayos ng Sheikh Jassim bin Muhammad bin Thani na Kumpetisyon ng Banal na Quran sa ilalim ng Kagawaran ng Pagkaloob (Awqaf) at Islamikong mga Kapakanan sa Qatar ang pagsisimula ng rehistrasyon noong Sabado para sa ika-30 patimpalak, sa kategoryang “Buong Quran” para sa mga mamamayan at mga residente ng parehong kasarian, gayundin sa “Sangay ng mga Kategorya” na nakalaan para sa kalalakihan at kababaihang mga mamamayan.

Magpapatuloy ang proseso ng rehistrasyon hanggang Oktubre 28, 2025, sa pamamagitan ng ugnayan na: https://islam.qa/jassimReg. Ayon sa pahayag ng Awqaf, ang mga kundisyon para sa paglahok sa buong pagsasaulo ng Banal na Quran, bago pa man ang anunsyo ng paligsahan, ay nangangailangan na ang mga aplikante ay mga mamamayan o mga residente ng Qatar.

Ayon sa pahayag, ang mga dating lumahok at nanalo sa kategorya ng buong pagsasaulo ng Quran para sa isang partikular na pagbasa (pagsasalaysay) ay hindi maaaring muling lumahok maliban kung iba ang pagbasa o kung lumipas na ang dalawang magkasunod na mga taon bago sila muling sasali.

Ipinahayag ng kagawaran na ang pagsusulit para sa mga kalalakihan ay isasagawa sa lahat ng mga sangay ng paligsahan na nakatakdang magsimula sa Nobyembre 8 sa Imam Muhammad bin Abdul Wahhab Moske, habang ang pagsusulit para sa mga kababaihan ay gaganapin sa Gusali ng Aktibidad ng Kababaihan sa Al Waab.

Ang sangay ng “Buong Quran” ay binubuo ng tatlong mga kategorya para sa parehong mga kasarian: ang Katergorya ng Qatari Huffaz, Katergorya ng Residente ng Huffaz, at Katergorya ng Pangkalahatang Residente ng Huffaz.

Tungkol naman sa mga gantimpala, tiniyak ng komite na magkahiwalay ang mga premyo para sa kalalakihan at kababaihan sa sangay ng “Buong Quran.” Limang mga kalalakihan at limang mga kababaihan ang pararangalan sa bawat kategorya upang hikayatin at bigyan ng inspirasyon ang kababaihang mga mamamayan at mga residente na lumahok at magtagumpay.

Ang unang gantimpala sa pagsasaulo ng buong Banal na Quran na may wastong pagbasa at Tajweed, sa Kategorya ng Qatari Huffaz, gayundin sa mga Kategorya ng Residente na Huffaz at Pangkalahtang Residente na Huffaz, ay tatanggap ng QAR 100,000 bilang premyo para sa unang mga nagwagi sa parehong mga kasarian.

Ang pangalawang gantimpala ay tatanggap ng QAR 85,000, ang pangatlo ay QAR 70,000, ang pang-apat ay QAR 60,000, at ang panglima ay QAR 50,000 — para sa lahat ng mga kategorya at sa parehong mga kasarian.

Dagdag pa rito, magkakaloob din ng nsentibong mga premyo sa mga kalahok ng parehong kasarian sino matagumpay na nakapasa sa ikalawang yugto ngunit hindi umabot sa ikatlong yugto sa sangay ng “Buong Quran”, pati na rin sa natatanging kalalakihan at kababaihang na mga kalahok na may pambihirang tinig.

Ang “Sangay na mga Kategorya,” na alin nakatuon sa pagsasaulo ng piling mga bahagi ng Banal na Quran, ay nakalaan para sa mga mamamayang Qatari, parehong kalalakihan at kababaihan. Saklaw nito ang mga Huffaz na nagsasaulo ng 5, 10, 15, 20, o 25 na mga bahagi, maging mula sa simula o sa dulo ng Banal na Quran.

Pinagtibay ng komite na ang mga kalahok sa “Sangay na mga Kategorya,” parehong kalalakihan at kababaihan, ay maaaring muling lumahok sa kanilang dating kategorya o umangat sa mas mataas na antas. Ang hindi lumahok sa loob ng tatlong mga taon o higit pa ay maaaring sumali sa isang kategorya na mas mababa sa kanilang dating pinakamataas na antas.

Layunin ng komite na makahikayat ng pinakamaraming mga mamamayan at mga residente sa pamamagitan ng pagbibigay ng malalaking gantimpalang salapi sa lahat ng mga nagwagi at sa mga natatanging mga kalahok na may pambihirang tinig sa lahat ng limang mga kategorya, sa marangal na larangan ng pagsasaulo ng Banal na Quran.

 

3495060

captcha