IQNA

Nag-ulat ang Kumboy na Quraniko ng 5% Paglago sa mga Aktibidad sa Panahon ng Arbaeen 2025

6:31 - August 25, 2025
News ID: 3008776
IQNA – Inihayag ng mga tagapag-organisa ng Iranianong kumboy na Quraniko na tumaas ng limang porsyento ang mga programang Quraniko sa paglalakbay ng Arbaeen ngayong taon sa Iraq kumpara noong nakaraang taon.

Quranic Convoy Reports 5% Growth in Activities During 2025 Arbaeen

Ayon kay Seyyed Mohammad Moojani, pinuno ng Quranikong mga Aktibidad na Pangkat na Nagtratrabaho ng Komite na Pangkultura ng Arbaeen, ang paglago ay bunga ng masigasig na pagsisikap ng mga qari at mga tagapagsaulo sino lumahok sa inisyatiba.

Sa panayam ng IQNA, ipinaliwanag niya na ang mga programa ay isinagawa sa tulong ng Sentrong Quraniko ng Astan Quds Razavi sa loob ng walong mga araw sa Iraq. 

“Nakagawa kami ng halos 1,000 na mga sesyong Quraniko, na nagbigay ng malaking ambag sa pagpapayaman ng espiritwal at relihiyosong karanasan ng mga peregrino ng Arbaeen,” ayon kay Moojani.

Ayon kay Moojani, higit sa 80 na mga mambabasa ng Quran at mga grupong Tawasheeh (relihiyosong pag-aawit) ang sumali sa karawan ngayong taon, na kumakatawan sa 13 iba’t ibang mga nasyonalidad. Nagtanghal sila sa iba’t ibang mga ruta papuntang Karbala, kabilang ang Najaf, Diyala, Hilla, Baghdad, at Tariq al-Ulama. Ang lahat ng mga aktibidad ay planado nang maaga at isinagawa ayon sa isang magkakaugnay na iskedyul. Dagdag niya, ang nilalaman ng mga programa ay nakatuon sa mga talata mula sa mga kabanata ng Quran na An-Nasr at Al-Fath, na alin binigkas, ipinaliwanag, at ibinahagi sa mga peregrino.

“Sa pakikipag-ugnayan sa Organisasyon sa Pagpapaunlad ng Islam, ilan sa Quranikong mga mangangaral ng planong ‘Mga Talatang Dapat Isabuhay’ ay dumalo rin sa Iraq, at namahagi ng mga polyeto na naglalaman ng piling mga konseptong Quraniko,” sabi ni Moojani.

Isang natatanging aspeto ng kumboy ngayong taon, ayon kay Moojani, ay ang pakikilahok ng isang pangkat ng kababaihang Quraniko mula Iran. Sa loob ng anim na mga araw, nagdaos sila ng mahigit 50 na mga programang Quraniko at sa mga istasyon sa paglilingkod ng mga kababaihan. 

Kinilala ang kanilang pagsisikap ng mga tagapangalaga ng dambana ni Imam Hussein (AS), sino nag-imbita sa kanila upang magsagawa ng mga kursong Quraniko sa Iraq sa buong taon, ayon sa kanya. Ang paglalakbay ng Arbaeen, na nagtapos noong nakaraang linggo, ay itinuturing na isa sa pinakamalaking taunang pagtitipong panrelihiyon sa buong mundo.

Taun-taon, milyun-milyong Shia na mga Muslim mula sa Iraq, Iran, at iba’t ibang panig ng mundo ang naglalakad patungong lungsod ng Karbala upang gunitain ang ika-40 araw matapos ang pagkabayani ni Imam Hussein (AS), apo ni Propeta Muhammad (SKNK). Higit sa 21 milyong katao ang dumalo sa prusisyon ngayong taon sa Iraq.

 

 

3494347

captcha