IQNA

Iraqi Kaligrapiyo Gumugol ng Anim na mga Taon sa Pagkumpleto ng Pinakamalaking Quran na Isinulat sa Kamay sa Buong Mundo

16:34 - October 30, 2025
News ID: 3009021
IQNA – Isang pambihirang tagumpay sa larangan ng Islamikong kaligrapiya ang ipinakita sa Istanbul: ang pinakamalaking Quran na isinulat sa kamay sa buong mundo, bunga ng anim na mga taong masusing paggawa.

2025. (AA Photo) After six years of meticulous work, the world’s largest handwritten Quran has been completed in Istanbul.

Isang dating alahero mula sa Iraq ang gumugol ng anim na mga taon sa paggawa ng Quran na isinulat sa kamay sa Istanbul, na nagresulta sa isang manuskrito na may mga pahinang may habang apat na mga metro at lapad na isa’t kalahating metro. Si Ali Zaman, na ipinanganak noong 1971 sa Sulaymaniyah, Iraq, ay nagkaroon ng matinding interes sa Islamikong kaligrapya mula pa noong kabataan niya.

Pagkatapos niyang talikuran ang kanyang propesyon bilang alahero noong 2013, itinuon niya ang buong sarili sa sining. Noong 2017, lumipat si Zaman kasama ang kanyang pamilya sa distrito ng Fatih sa Istanbul upang ipagpatuloy ang kanyang proyekto. Ang napakalaking Quran na inabot ng anim na mga taon upang makumpleto ay isinulat nang buong-kamay gamit ang mga tradisyunal na panulat na gawa sa tambo sa istilong thuluth—isang bersyon ng Arabik iskrip sa Islamikong kaligrapya. Kapag binuksan, ang bawat pahina ay umaabot sa tatlong mga metro. Umiwas si Zaman sa paggamit ng makabagong kagamitan at masusing isinulat ang bawat titik nang siya mismo.

Mag-isa siyang nagtrabaho sa isang maliit na silid sa loob ng Mihrimah Sultan Moske complex sa Istanbul, at ginugol niya ang bawat araw sa paggawa ng manuskrito, humihinto lamang para kumain at magdasal.

Ang proyekto ay ganap na pinondohan niya mula sa sarili niyang bulsa. Nagpatuloy si Zaman sa kabila ng malalalang suliranin sa kalusugan, na nagpilit sa kanya na pansamantalang huminto noong 2023.

Nakamit niya ang maraming pandaigdigang mga parangal, kabilang ang unang mga gantimpala sa thuluth at naskh kaligrapya sa Syria, Malaysia, Iraq, at Turkey.

Mayroon siyang ijazah o pahintulot sa kaligrapya mula sa kilalang mga maestro at tumanggap ng parangal na “Pagkakaiba” noong 2017 sa International Hilye-i Serif Competition sa Turkey mula kay Pangulong Recep Tayyip Erdogan ng Turkey.

Sa isang panayam sa Anadolu, sinabi ni Zaman: “Isang kasiyahan ang makalikha ng isang bagay na kakaunti lamang ang may kakayahang gawin o susubukang gawin. Bawat letra ay sumasalamin sa kaluluwa at pagsisikap na inilaan sa gawaing ito.”

It Takes Iraqi Calligrapher 6 Years to Complete Largest Handwritten Quran   

Ayon naman sa kanyang anak na si Rekar Zaman, lumipat sila sa Turkey dahil mas pinahahalagahan ng bansa ang kaligrapya at sining Islamiko kaysa sa Iraq.

Dagdag pa niya, naging napakahirap humanap ng mga angkop na materyales noong pandemya ng COVID-19, ngunit nagtiyaga pa rin ang kanilang pamilya.

Ang natapos na Quran ay nalampasan ang dating pinakamalaking manuskrito, na may sukat na 2.28 na mga metro ang haba at 1.55 mga metro ang lapad.

Plano ng pamilya na ingatan nang mabuti ang manuskrito at umaasa silang mananatili ito sa Turkey bilang simbolo ng makasaysayang tradisyon ng bansa sa sining ng kaligrapya.

 

3495192

captcha