IQNA

Mahigit 1,800 ang Nagparehistro para sa Sheikh Jassim Quran na Paligsahan sa Qatar

17:31 - October 29, 2025
News ID: 3009019
IQNA – Ang mga nagnanais na lumahok sa Ika-30 Sheikh Jassim bin Muhammad bin Thani Banal na Quran na Paligsahan sa Qatar ay may hanggang ngayong araw upang magparehistro para sa Quraniong kaganapan.

Participants in the Sheikh Jassim bin Muhammad bin Thani Noble Quran Competition in Qatar

Magtatapos ang pagpaparehistro sa Martes, Oktubre 28. Ang kaganapan ay isaayos sa Doha sa pamamagitan ng Kagawaran ng Awqaf ng Qatar. Maaaring magparehistro ang mga aplikante sa pamamagitan ng opisyal na portal o sa pamamagitan ng pag-iskan ng QR code na inilaan para sa pagpaparehistro.

Kasama sa paligsahan ang kabuuang pagsasaulo ng Banal na Quran para sa mga mamamayan at mga residente, kapwa mga kalalakihan at mga kababaihan, gayundin ang bahagi ng pagsasaulo para sa mga mamamayan ng parehong mga kasarian. Saklaw nito ang pagsasaulo ng (5, 10, 15, 20, at 25) na mga bahagi ng Banal na Quran, mula man sa simula o sa dulo.

Umabot na sa 1,847 ang kabuuang bilang ng mga nagparehistrong mga kalalakihan at mga kababaihan na mga kalahok, kung saan 1,144 ang nasa buong pagsasaulo at 703 naman ang nasa bahagyang magsaulo. Umabot sa 770 ang pangkalahatang mga aplikante mula sa mga residente, 347 sa mga residenteng mga magsaulo, at 27 mula sa mga mamamayan ng parehong mga kasarian. Binanggit din ng lupon na napakahalaga para sa mga kalahok na punan nang tama ang porma ng pagpaparehistro at ilakip ang numero ng bank account dahil ito ay mahalagang dokumento sa proseso ng pagpaparehistro.

Dagdag pa rito, nagtalaga ang lupon ng isang propesyonal na

pangkat upang tumugon sa mga katanungan ng mga kalahok, tulungan sila sa proseso ng pagpaparehistro, at alisin ang anumang posibleng suliraning maaari nilang maranasan.

Magsisimula ang pagsusulit sa Nobyembre 8, 2025. Ang mga kalalakihan ay dadalo sa Imam Muhammad ibn Abd Al Wahhab Moske at ang mga kababaihan naman sa lugar ng aktibidad ng kababaihan sa Al Waab. Iaanunsyo pa sa ibang araw ang mga detalye ng iskedyul ng paligsahan, ayon sa lupon.

Ang mga nagwagi ng unang puwesto mula sa kalalakihan at kababaihang mga mamamayan sa kategorya ng buong pagsasaulo, gayundin ang mga residente sa bahagi ng pagasasaulo, ay tatanggap ng QR100,000 bawat isa. Ang mga magwawagi ng ikalawang puwesto ay tatanggap ng QR85,000 at ang mga nasa ikatlong puwesto ay tatanggap ng QR70,000.

Ang mga magwawagi ng ikaapat na puwesto ay tatanggap ng QR60,000, at QR50,000 naman para sa mga nasa ikalimang puwesto, kapwa kalalakihan at kababaihan.

Sa pangkalahatan, nagbibigay ang lupon ng insentibong mga premyong salapi sa mga kalahok sino umabot sa ikalawang yugto ngunit hindi nakapasok sa ikatlong yugto sa kategorya ng buong pagsasaulo, gayundin sa mga may pambihirang tinig sa pagbigkas mula sa lahat ng mga kalahok.

Dagdag pa rito, naglaan ang lupon ng mahahalagang mga premyong salapi para sa lahat ng mga kalahok sino bahagi ng magsaulo ng Banal na Qur'an batay sa kanilang grado, isang hakbang na layong hikayatin ang mas maraming mga mamamayan na lumahok, pati na rin ang mga gantimpala para sa may pambihirang mga tinig.

Simula pa noong ika-29 na paligsahan, nakatuon na ang lupon sa ganap na paghihiwalay ng mga lupon ng tagasuri para sa mga kalalakihan at mga kababaihan, at nagtatalaga ng propesyonal na lupon na binubuo ng bihasang babaeng mga tagapagbigkas ng Quran upang gampanan ang tungkuling iyon.

Dahil dito, ang mga premyong salapi ay inilalaan nang pantay para sa mga kababaihan katulad ng sa kalalakihan sa lahat ng mga kategorya, bilang pagsuporta sa kanilang aktibong pakikilahok sa ganitong uri ng mga paligsahan at upang hikayatin silang magpatuloy sa pagtatamo ng kahusayan at kaganapan.

 

3495180

captcha