IQNA

Quran Isang Personal na Gabay, Pinagmumulan ng Malalim na Kapayapaan: Iranianong Tagapagsaulo ng Quran

19:00 - September 23, 2025
News ID: 3008886
IQNA – Para sa isang kabataang Iranianang babae na naglaan ng dalawampung mga taon upang isaulo ang Quran, ang banal na aklat ay higit pa sa isang relihiyosong aklat; ito ay isang personal na gabay at pinagmumulan ng malalim na kapayapaan.

A woman reading the Quran

Ngayon na isa siyang guro ng panrelihiyong pag-aaral, nagsisikap siyang ipasa ang ugnayang iyon sa bagong salinlahi.

Sa isang panayam sa IQNA, ibinahagi ni Iran Yazdani — sino mula sa pagiging isang litong estudyante ng matematika ay naging isang tagapag-memorisa ng buong Quran dahil sa kanyang paghahanap ng layunin, ibinahagi niya ang kanyang mga pananaw sa pagbabagong kapangyarihan ng Quranikong pag-aaral.

Ikinuwento niya ang kanyang hindi inaasahang simula. “Nag-aaral ako ng matematika para sa aking bachelor degree, at noong panahong iyon, hindi ko kailanman naisip na isang araw ay maisasaulo ko ang buong Quran,” sabi niya. “Wala rin akong gaanong interes sa aking kurso at madalas kong isipin na tumigil na lamang. Nasa ganoong kalagayan ako nang may isang pangyayari na naglapit sa akin sa Quran.”

Dahan-dahan ang kanyang naging pamamaraan. “Nagsimula ako sa maliliit na bahagi, saka ko nakita na ang pagsasaulo ng Quran ay nagdudulot sa akin ng kapayapaan. Unti-unti, umabot ako sa puntong hindi ko na kayang ilayo ang aking sarili sa Quran. Ang pagsasaulo ng buong Quran ay hindi isang tungkulin para sa akin, kundi isang banal na regalo.” Binigyang-diin ng guro ang malalim na personal na pagbabagong kanyang naranasan. “Bago ko maisaulo ang Quran, wala talagang malinaw na layunin ang buhay ko. Marahil gaya ng maraming kabataan ngayon, ako ay litong-lito at hindi alam kung alin ang tamang daan. Ngunit naging ilaw ng paggabay ang Quran. Binigyan nito ako ng kakaibang katahimikan at nagliwanag ang landas ng aking buhay.”

Bilang isang guro ngayon, iginiit niya na may mahalagang papel ang sistema ng paaralan sa Iran sa pagpapatatag ng ugnayang ito ngunit kailangang baguhin ang pamamaraan. “Mahalaga ang magiging papel ng Kagawaran ng Edukasyon. Sapat nang idisenyo ang kapaligiran sa paaralan upang ang Quran ay maging kaakit-akit sa mga mag-aaralo, at hindi lamang ituring bilang isang asignaturang pampagsusulit.”

Nanawagan si Yazdani para sa sistematikong pagkilala. “Dapat parangalan ng mga punong-guro ang mga tagapagsaulo ng Quran at bigyan sila ng espesyal na lugar sa paaralan. Kahit maliit na paghihikayat ay maaaring lumikha ng malaking pag-uudyok,” sabi niya. “Kailangan nating ipakilala ang mga piling Quraniko bilang mga huwaran upang malaman ng mga estudyante na ang isang taong nakapagsaulo ng Quran ay mahalaga.”

Higit pa sa loob ng silid-aralan, itinuro niya ang pamilya bilang pangunahing impluwensiya. “Ang pamilya ang unang unibersidad ng isang tao. Kung ang mga magulang ay mga taong nakabatay sa Quran, hindi na kailangang pilitin ang mga anak na pumasok sa mga klase,” sabi niya. “Nakikita ng bata ang asal ng mga magulang at natututo. Kahit ang pinakamaliit na mga pag-uugali ay may impluwensiya.”

Tinutugunan ang karaniwang pagdududa, lalo na sa pandaigdigang mga tagapakinig na maaaring ituring ang ganitong gawain bilang purong ritwal, ipinagtanggol niya ang praktikal na gamit ng Quran. “Ang nakalulungkot na karaniwang pananaw ay ang pagsasaulo ng Quran ay isang gawaing debosyon lamang at walang aplikasyon.

Upang higit na maitatag ang Quran sa lipunan, ipinaglaban niya ang paggamit ng makabagong pamamaraan. “Kailangan nating gamitin ang lahat ng mga kagamitan: midya, mga himpilan na panlipunan, mga piyesta na malikhain. Dapat pumasok ang Quran sa pang-araw-araw na buhay,” sabi niya.

“Dapat din nating pahalagahan ang mga piling Quraniko. Kapag nakita ng lipunan na ang mga tagapagsaulo ng Quran ay may katayuan at paggalang, mahihikayat din ang iba na tahakin ang landas na ito.”

Ang huling mensahe niya ay patungkol sa personal na pakikipag-ugnayan. “Gusto kong sabihin na ang Quran ay inyong kaibigan, hindi lamang isang Banal na Aklat. Kung maglalaan kayo man lang ng ilang mga minuto ngayon upang makilala ang Quran, magiging mas maliwanag ang iyong buhay bukas,” direkta niyang sinabi sa mga kabataan. “Dapat ding malaman ng mga pamilya na higit sa lahat, kailangan ng mga bata ng mga huwaran. Ang pinakamabuting huwaran ay ang asal ng ama at ina. Kung tayo ay mga taong nakabatay sa Quran, magiging ganoon din ang susunod na salinlahi.”

 

3494701

captcha