IQNA

Binibigyang-diin ng Ministro ng Awqaf ng Algeria ang Tumpak at Siyentipikong Paglilimbag ng Quran

19:12 - September 23, 2025
News ID: 3008888
IQNA – Binibigyang-diin ng ministro ng Awqaf at panrelihiyong mga gawain ng Algeria ang pangangailangan ng maingat at masusing paglilimbag ng Quran.

Algeria’s Minister of Awqaf Youssef Belmahdi attended a meeting with members of the country’s Quran Printing Review and Revision Committee in Algiers on Saturday, September 20, 2025.

Sa isang pagpupulong kasama ang mga kasapi ng Komite para sa Pagsusuri at Rebisyon ng Paglilimbag ng Quran sa bansa, binigyang-diin ni Youssef Belmahdi ang kahalagahan ng pagpapanatili ng siyentipikong katumpakan sa pagsusuri at pagrerebisa ng Quran upang makapaglimbag ng ganap na kopya na karapat-dapat sa kalagayan ng Salita ng Pahayag.

Bumisita siya sa komite noong Sabado, Setyembre 20, iniulat ng Al-Ayyam website. Sa pagbisitang ito, dumalo siya sa regular na pagpupulong ng komite sa kabisera, Algiers. Pinuri ni Belmahdi ang pagsisikap ng mga kasapi ng komite sa paglilingkod sa Quran at binigyang-diin ang kanilang mahalagang tungkulin na tiyakin ang tumpak at walang kamaliang paglilimbag ng mga kopya ng Quran.

Dagdag pa niya, palaging nagsisikap ang Algeria na maghanda at magpalaganap ng Quran sa iba’t ibang mga edisyon, na sumasalamin sa makasaysayan at pangkultura na katayuan ng bansa sa paglilingkod sa Quran at sa pagpapalaganap nito sa buong mundo.

Muling ipinagpatuloy ng Komite sa Pagsusuri ng Paglilimbag ng Quran ng Algeria ang kanilang mga gawain ilang mga taon na ang nakalipas ayon sa utos ng noo’y ministro ng Awqaf, matapos mailathala ang ilang mga kopya ng Banal na Quran na nagtaglay ng ilang mga pagkakamali sa paglilimbag.

Itinalaga ng ministro ng Awqaf ang mga miyembro ng komiteng ito, at ang kanilang pangunahing layunin ay maglimbag at maglathala ng Quran nang tumpak at walang mga kamalian.

 

3494692

captcha