IQNA

Pag-alala kay Sheikh Mahmoud Khalil al-Hussary: Isang Qari ng Kababaang-loob at Habag

14:34 - September 25, 2025
News ID: 3008894
IQNA – Si Sheikh Mahmoud Khalil al-Hussary, isa sa pinakatanyag na mga qari ng Ehipto, ay naaalala dahil sa kanyang kahusayan sa pagbibigkas ng Qur’an, habag, at kababaang-loob.

Remembering Sheikh Mahmoud Khalil al-Hussary: A Qari of Humility and Compassion

Ibinahagi ng mga kasapi ng pamilya ang kanilang mga alaala tungkol sa yumaong Qari sa isang programang ipinalabas kamakailan sa CBC tsanel ng Ehipto upang gunitain ang kanyang kaarawan. Inilarawan ni Qazi Ayman Abdel Hakim, apo ni al-Hussary, ang kanyang lolo bilang “isang matiisin at mabait na tao, na may malasakit sa mahihirap at mapagmahal sa mga bata.”

Naalala niya ang kanyang kabataan at nagsabi: “Bubuhatin ako ng aking lolo sa kanyang mga bisig at magpapakita ng pagmamahal. Maraming nangangailangan ang bumibisita sa aming tahanan, at siya mismo ang tumatanggap sa kanila. Bawat isa ay binibigyan niya ng maliit na Qur’an na may nakatagong pera sa pagitan ng mga pahina upang walang masaktan ang damdamin.”

Dagdag pa ni Abdel Hakim, madalas magbigay si al-Hussary ng pera sa mahihirap at palaging hinihikayat ang pagbabasa at pagsasáulo ng Qur’an. “Ginagantimpalaan niya ang sinumang makapagsaulo ng maikling surah ng 25 qirsh, at kung mas mahaba, isang Ehiptiyano na libra, na noon ay malaking halaga noong dekada 1970,” paliwanag niya.

Naalala rin niya ang kanyang pag-upo sa tabi ng lolo tuwing Biyernes sa Moske ng Imam Hussein sa Cairo, kung saan binibigkas ni al-Hussary ang Surah al-Kahf. “Pagkatapos ng pagdasal, dose-dosenang mga sumasamba ang nagtitipon sa paligid niya upang makinabang sa kanyang presensiya,” sabi niya.

Isa pang apo, si Yasmine al-Hussary, ay nagsalita rin tungkol sa kanyang espirituwal na pamana. “Binasbasan ako ng Diyos dahil ginawa Niya akong anak ng isang taong nagdala ng responsibilidad ng pagbibigkas ng Qur’an sa loob ng maraming mga taon. Tapat siya sa kanyang pagbibigkas at nagpapakita ng kababaang-loob sa harap ng Diyos sa bawat salita,” sabi niya. 

Inilarawan niya ang kanyang lolo bilang “isang mabait, mapagpakumbaba, at maka-Diyos na tao sino palaging nagpapaalala sa amin tungkol sa Diyos at sa Kanyang Sugo. Nais niyang hindi lamang namin saulohin ang Qur’an kundi mamuhay din ayon sa mga aral nito at kumuha ng inspirasyon mula sa halimbawa ng Propeta.”

Ipinanganak noong Setyembre 17, 1917, naisaulo ni al-Hussary ang buong Qur’an sa edad na walong taon at nagsimulang magbigay ng pampublikong pagbasa sa edad na 12. Siya ay nakilala bilang isa sa apat na dakilang mga qari ng makabagong panahon, kasama nina Abdul Basit, Menshawi, at Mustafa Ismail. Noong 1968, siya ay nahalal bilang pinuno ng Unyon ng mga Mambabasa ng Quran ng Mundong Muslim. Siya rin ang kauna-unahang nagtala ng buong Qur’an sa estilong tarteel sa mga cassette tape, na nagbigay-daan upang maging malawak na naaabot ang kanyang pagbasa.

Pumanaw si Sheikh al-Hussary noong Nobyembre 24, 1980, sa panahon ng isang paglalakbay sa Kuwait. Makalipas ang ilang mga dekada, patuloy pa ring binibigyang-diin ng kanyang pamilya at mga tagahanga hindi lamang ang kanyang walang kapantay na pagbibigkas kundi pati na rin ang kanyang malalim na pagkatao at walang hanggang impluwensiya sa mundong Islamiko.

 

3494730

captcha