
Ayon kay Wassam Nadhir al-Delfi, pinuno ng Sentro ng Quranikong Media ng Astan, ginanap ang paligsahan na may malawak na pagsali ng mga qari mula sa sampung mga lalawigan ng Iraq, kabilang ang Basra, Dhi Qar, Diwaniyah, Babylon, Baghdad, Najaf, Karbala, Salah al-Din, at Wasit.
Sabi niya, kahanga-hanga ang bilang at antas ng kahusayan ng babaeng mga kalahok mula sa Astan.
Idinaos ang pagdiriwang ng paggawad sa mga nanguna sa loob ng patyo ng banal na dambana sa isang espirituwal na kapaligiran, at pinuri ng lupon ng mga hurado ang mataas na antas ng mga kalahok at ang pagsisikap sa pag-organisa ng kaganapan, ayon sa kanya.
Ipinahayag ni Al-Delfi na sa pagtatapos ng paligsahan ay ipinakilala ang mga nanguna sa dalawang mga kategorya: pagsasaulo at pagbigkas.
Ayon sa kanya, si Duaa Maytham Abdul Zaid mula sa sangay ng Babylon ang nagwagi ng unang puwesto sa kategoryang pagsaulo; si Mi’ad Saeed Khami mula sa sangay ng Basra ang pumangalawa; at si Zeinab Hanun Khalaf mula rin sa Basra ang pangatlo.
Dagdag pa niya, sa kategoryang pagbigkas, si Sattar Jabbar mula sa Basra ang pangalawa, at si Ma'souma Abbas Hatihat mula rin sa parehong sangay ang pangatlo.
Ang paligsahan ay inorganisa ng Pambansang Sentro para sa Quranikong mga Agham ng Iraq noong Huwebes at Biyernes (Nobyembre 12 at 13) sa Al-Askari Dambana sa Samarra. “Kinakatawan ang Iraq; karangalan para sa lahat” ang naging bansag ng paligsahan. Idinaos ito sa ilalim ng pangangasiwa ni Haider Hassan al-Shammari, pinuno ng Tanggapan ng mga Kaloob ng Shia ng Iraq. Lumahok dito ang babaeng mga qari at mga magsaulo mula sa mga institusyong Quraniko na konektado sa banal na mga dambana at mga pook na panrelihiyon ng Iraq.
Layunin ng mga paligsahang ito na piliin ang pinakamahuhusay upang katawanin ang Iraq sa pandaigdigang mga paligsahan sa Quran.