IQNA

Ikalawang AI Galeriya ng mga Talata ng Quran Binuksan sa Tehran

10:49 - November 24, 2025
News ID: 3009116
IQNA – Binuksan sa Tehran ang ikalawang galeriya ng mga gawaing Quraniko na ginawa gamit ang AI, na nagpapakita ng 100 piling mga likha mula sa mga tinedyer at kabataan.

The second gallery of Quranic works produced with AI will be held in Tehran, displaying 100 selected works from teenagers and youth.

Ang Malalaking Gusali ng Bagh-e-Honar (hardin ng sining) ang nagpunong-abala ng kaganapan, na inorganisa ng AI-Art Club.

Muli nitong ipinapakita ang ugnayan sa pagitan ng relihiyosong sining, pagkamalikhain ng kabataang salinlahi, at bagong mga teknolohiya.

Matapos ang matagumpay na pagdaraos ng unang edisyon at malawakang pagtanggap sa mga gawaing Quraniko na ginawa gamit ang AI, ngayong pagkakataon ay ginaganap ang ikalawang galeriya na nagpapakita ng 100 piling mga likha mula sa mga tinedyer at kabataan.

Ipinapakita ng mga obra ang pagkamulat ng isang bagong uso sa digital na pagpapakita ng mga talata ng Quran.

Ang koleksyong ito ay bunga ng ilang mga buwang pagsasanay, eksperimento, at pagkamalikhain ng mga mag-aaral ng espesyal na mga kurso ng AI-Art Club, at ng kanilang pagsisikap na isalaysay ang maningning na mga konsepto ng Quran sa isang bago, masining, at teknolohikal na wika.

Nakakatagpo ang mga bisita ng malawak na hanay ng mga istilo, mga teknik, at biswal na pagpapahayag; mula sa malikhaing artistikong mga interpretasyon hanggang sa tumpak at sinuring mga salaysay, na lahat ay nalikha sa tulong ng mga kagamiitan ng AI at gabay ng mga dalubhasa.

Inaanyayahan ng ikalawang galeriya ng mga gawaing Quraniko na ginawa gamit ang AI ang mga tagahaga, mga artista, mga mananaliksik, at mga aktibista ng teknolohiya mula Sabado hanggang Martes, alas-9:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.

 

3495494

Tags: Tehran
captcha