IQNA

Mula sa Pagtitiis hanggang sa Moral na Tapang: Isang Amerikanong Iskolar sa Itinuturo ni Ginang Fatima sa Panahon Ngayon

15:43 - November 25, 2025
News ID: 3009118
IQNA – Ayon sa iskolar na si Alyssa Gabbay, ang buhay ni Ginang Fatima (SA) ay patuloy na nagbibigay sa mga mananampalataya ng huwaran ng matatag na pananampalataya, moral na tapang, at kababaang-loob—mga katangiang nananatiling napakahalaga sa kasalukuyang panahon.

From Patience to Moral Courage: American Scholar on What Lady Fatima Teaches Today

Si Alyssa Gabbay ay isang katulong na propesor sa Pag-aaral ng Panrelihiyon sa University of North Carolina sa Greensboro, na nagdadalubhasa sa maagang kasaysayan ng Islam.

Ang kanyang aklat, Gender and Succession in Medieval and Early Modern Islam: Bilateral Descent and the Legacy of Fatima, ay sumusuri sa mahalagang katayuan ni Ginang Fatima sa kaisipang Islamiko.

Sa panayam ng IQNA, tinukoy ni Gabbay ang “pagtitiis sa gitna ng pagdurusa” at “pagsasalita laban sa kawalan ng katarungan kapag kinakailangan” bilang dalawa sa mga aral na maaaring matutunan ng kababaihan mula sa buhay ni Ginang Fatima.

Nasa ibaba ang buong nilalaman ng pag-uusap:

IQNA: Iba’t ibang mga sekta ng mga Muslim ang gumagalang kay Ginang Fatima bilang pinakamamahal na anak na babae ng Propeta at huwaran ng pananampalataya, kahinhinan, at katatagan. Mula sa iyong pag-aaral ng sinaunang mga sanggunian ng Islam, anong mga aspeto ng kanyang buhay o personalidad ang pinakamatingkad sa iyo?

Gabby: Napakaraming mga aspeto ng buhay at personalidad ni Hazrat Fatima ang kapansin-pansin kaya mahirap pumili ng iilan lamang. Isa sa pinakamahalaga ang kanyang dedikasyon at lubos na pagtatalaga sa Propeta—tila naging matibay siyang sandigan para sa kanya sa mga panahong higit niya itong kailangan.

Namamangha rin ako sa tinaguriang “liwanag na Muhammadan” na sinasabing nagmumula sa kanya, at madalas isinasalarawan sa mga larawan—isang palatandaan na siya rin ay tumatanggap ng sinaunang liwanag na kaugnay ng Diyos, na sa maraming mga pagkakataon ay sumasagisag sa ‘ilm o kaalaman.

Ginang Fatima Bilang Liwanag ng Pagpupunyagi at Pananampalatayang Patuloy na Nagliliwanag Ngayon: Amerikanong Propesor

Ang sermon na kanyang ibinigay sa harap ng pamayanang Muslim, kung saan mariin niyang binatikos ang direksyong tinatahak ng Umma at inangkin ang pagmamay-ari sa Fadak, ay isang kahanga-hangang pagpapakita ng kanyang espiritwal na awtoridad, kahit na nananatili itong isang sensitibo at pinagkakabahabahaging isyu sa mga Muslim.

Panghuli, ang paniniwalang si Fatima ay tumanggap ng isang mushaf mula sa anghel na si Gabriel—isang himalang tekstong may banal na inspirasyon na kaugnay ng malaking kapangyarihan at awtoridad—ay lalo pang nagpapatibay sa kanyang katayuan bilang isang taong, kung hindi man isang imam o propeta, ay napakalapit ng pagkakahalintulad sa kanila.

IQNA: Sa iyong pag-aaral, nakatagpo ka ba ng ebidensiya na ang halimbawa ni Ginang Fatima ay nakaapekto sa pagtingin ng mga sumunod na mga lipunang Muslim sa relihiyoso o moral na awtoridad ng kababaihan?

Gabby: Tiyak na oo. Halimbawa, ang Shi’i na mga iskolar katulad nina Ibn Babawayh (al-Shaykh al-Saduq) at al-Majlisi ay kapwa nagbanggit ng Sermon ni Fatima tungkol sa Fadak sa kanilang mga koleksyon ng hadith, na alin nagpapakitang itinuring nila siyang huwaran ng pag-uugali. Nakikita siya bilang isang taong may awtoridad na magpaliwanag ng mga dahilan sa likod ng banal na mga kautusan kagaya ng pagdarasal at pag-aayuno.

IQNA: May ilang mga iskolar na nagsasabing si Ginang Fatima ay kumakatawan sa parehong pagiging mahabagin bilang ina at pagiging aktibo sa lipunan. Sa palagay mo ba sapat itong mga larangan ng kanyang ugali na kinikilala sa makabagong diskursong Islamiko?

Gabby: Sa tingin ko, ang kanyang papel bilang aktibista at bilang espiritwal at panlipunang pinuno ay lalo nang binibigyang-diin ng modernong mga iskolar, at ito ay positibong bagay. Madali itong maisabay sa kanyang papel bilang isang mahabaging ina; hindi naman nagtatanggalan ang dalawang aspetong ito.

IQNA: May ilang mga mambabasa, lalo na sa mga manonood na Shia, na naniniwalang ang espiritwal na kahalagahan ni Ginang Fatima ay higit pa sa lipunang pinagmulan. Paano mo tutugunan ang nagsasabing ang purong makasaysayan na pagsusuri ay maaaring makaligtaan ang banal na larangang ito?

Gabby: Lubos akong sumasang-ayon na ang espiritwal na kahalagahan ni Fatima ay higit, higit pa sa usaping panlipunang pinagmulan. Hindi layunin ng aking aklat na saklawin ang kabuuan ng kanyang espiritwal na kahulugan, kundi itampok ang isang bahagi nito na maaaring hindi napansin.

Mayroon pang ibang mahuhusay na mga aklat na mas nakatuon sa pagtalakay ng kanyang espiritwal na kahalagahan sa mas malawak na pananaw, at lubos ko itong inirerekomenda sa mga mambabasa.

 

3495509

captcha