IQNA

Ang Pandaigdigang Parangal ni Imam Khomeini sa Tehran ay Magpunong-abala ng mga Intelektuwal mula sa 13 na mga Bansa

18:57 - December 04, 2025
News ID: 3009152
IQNA – Magpunong-abala ang Samahang Islamikong Kultura at Ugnayan sa Tehran ng isa sa pinakamahalagang intelektuwal at pangkultura na kaganapan ng taon ngayong buwan.

The Imam Khomeini (RA) World Award will take place in the Iranian capital on December 17, 2025.

Gaganapin ang Pandaigdigang Parangal ni Imam Khomeini (RA) sa kabisera ng Iran sa Disyembre 17.

Ayon sa Tanggapan ng Ugnayang Pampubliko ng ICRO, dadalo sa prestihiyosong kaganapan ang mga intelektuwal mula sa 13 na mga bansa.

Isinasagawa ito upang itaguyod at pangalagaan ang mga kaisipan, mga pagpapahalaga, at intelektuwal na landas ng tagapagtatag ng Islamikong Republika ng Iran, si Imam Khomeini (RA).

Ang pandaigdigang parangal na ito, na nagbibigay-diin sa pagpapalaganap at pagpapalalim ng mga kaisipan ni Imam Khomeini (RA), ay nagsisikap ding hikayatin at suportahan ang mga mananaliksik at mga aktibistang pangkultura, pampulitika, at panlipunan na nagtrabaho upang makalikha ng diskurso at makapagdulot ng makabuluhang mga akda.

Ang Pandaigdigang Parangal ni Imam Khomeini (RA) ay simbolo ng paggalang sa intelektuwal at espirituwal na pamana ni Imam Khomeini at isang pagkakataon upang palawakin ang pandaigdigang ugnayan, siyentipikong at pangkultura na pagtutulungan, at makapagbigay ng mga huwarang nakapagpapasigla sa susunod na mga henerasyon.

Bukod sa mahigit 20 banyagang mga palaisip at mga mananaliksik mula sa 13 na mga bansa, isang malaking pangkat ng mga panloob na mga mananaliksik at mga intelektuwal, kasama ang kilalang mga tao sa pangkultura at pampulitika, ang lalahok sa kaganapan.

 

3495606

captcha