IQNA

Isang Programang Pang-edukasyon sa Brazil ang Layuning Palakasin ang Ugnayan ng mga Bata sa Quran

16:53 - December 06, 2025
News ID: 3009155
IQNA – Sinimulan ng Pandaigdigang Sentrong Islamiko para sa Pagpaparaya at Kapayapaan sa Brazil ang isang espesyalisadong programang pang-edukasyon noong nakaraang linggo tungkol sa pagpapaliwanag ng Banal na Quran at pag-aaral ng Mga Hadith na Propetiko.

The International Islamic Center for Tolerance and Peace in Brazil is holding a specialized educational program in the field of interpreting the Holy Quran and studying the Prophetic Hadiths.

Inilunsad noong Martes, Disyembre 2, ang espesyal na programang pang-edukasyong ito ay nakatuon sa pagpapaliwanag ng Quran at pag-aaral ng aklat na “Apatnapung mga Hadith ni Imam Nawawi” (isang koleksyon ng mahahalagang mga Hadith ng Propeta (SKNK) na pinagsama ni Abu Zakaria Yahya ibn Sharaf al-Nawawi (1233–1277)).

Isinasagawa ito sa pangangasiwa ni Abdul Hamid Mutawali, pinuno ng Pandaigdigang Sentrong Islamiko para sa Pagpaparaya at Kapayapaan sa Brazil, ayon sa ulat ng website na Muslimsaroundtheworld. Tatakbo ito hanggang Disyembre 2025 at Enero 2026 na may layuning palakasin ang kaalamang pangrelihiyon at itaguyod ang makataong pagpapahalaga ng Islam sa iba’t ibang mga bahagi ng lipunan, lalo na sa mga bata.

Ayon sa ulat, ang mga sesyon tuwing gabi ay ginagawa tuwing Martes at Biyernes, at kinabibilangan ng mga sesyong para sa pagsasaulo ng Quran, sama-samang pagdarasal ng Maghrib at Isha, at hapunan—kung saan nakikibahagi rin ang mga magulang ng mga bata sa isang panrelihiyon at pang-edukasyon na kapaligiran na nagpapalapit sa kanila sa Quran.

May mga sesyon din tuwing umaga tuwing Miyerkules at Huwebes, na kinabibilangan ng pangtanghaling pagdarasal at tanghalian, kasama ng sistematikong mga araling pang-edukasyon na pinagsasanib ang pagpapaliwanag at pagpapahalagang kasanayan sa isang balangkas ng pagtuturo na nagbibigay-balanse sa kaalaman at personal na pag-unlad.

 

Magwawakas ang programa sa isang natatanging pagdiriwang pang-edukasyon upang makalikha ng pag-uudyok na ipagpatuloy ang pag-aaral at pagtibayin ang mga natamo sa relihiyon at kaalaman. Sa seremonya, igagawad ang mahahalagang gantimpala sa mga kalahok at mga nakapagsaulo ng Quran.

Ipinapakita ng programang ito ang pangako ng mga sentrong Islamiko sa Brazil na magbigay ng mataas na antas ng mga inisyatibong pang-edukasyon na muling nagdudugtong sa kabataang salinlahi sa Quran at sa Propetikong Sunnah, na tumutulong bumuo ng balanseng kamalayang pangrelihiyon na nagpapatatag ng moral na pagpapahalaga at nagpapalakas ng espirituwal na pagkakaugnay sa lipunan.

 

3495622

captcha