IQNA

Isinagawa sa Yaman ang Eksibisyong “Bayani ng Quran”

12:43 - January 19, 2026
News ID: 3009278
IQNA – Isinagawa ang isang eksibisyong pinamagatang “Bayani ng Quran” sa lalawigan ng al-Hudaydah sa Yaman.

Inialay ito kay Sayyid Hussein Badreddin al-Houthi, na kilala sa bansa bilang “bayani ng Quran.”

Dinalaw ito ng ilang lokal na mga opisyal at ng mga tao mula sa iba’t ibang mga sektor ng lipunan, ayon sa Saba.net.

Itinampok sa eksibisyon ang mga larawan, mga dokumento, at mga personal na gamit at talaan na pagmamay-ari ng bayani.

Natutunan din ng mga bisita ang tungkol sa buhay at mga nagawa ni Sayyid Hussein Badreddin al-Houthi.

Sa gilid ng eksibisyon, tinalakay ng lokal na mga opisyal at tagapag-organisa ang mga estratehiya at mga plano para magsagawa ng mga programang Quraniko at pangkultura, na may layuning itaas ang kamalayan ng lipunan at itaguyod ang mga aral ng Quran.

Ang eksibisyon ay bahagi ng mga programang isinasagawa taun-taon sa iba’t ibang mga bahagi ng Yaman bilang paggunita sa anibersaryo ng pagkabayni ni Sayyid Hussein Badreddin al-Houthi.

https://iqna.ir/en/news/3496094

captcha