Ang doktrina ng Islam ay kakaiba sa mga ibang teorya sa dalawang anggulo: una, tinuturing nitong mahalaga ang ugnayang nananatili sa pagitan ng katotohanan at katarungan, at pangalawa, tinuturing nito na ang mga karapatan ng mamamayan at ng mga nanunungkulan ay hindi dedeterminahin ng iisang tao lamang.
Ang pagpanatili ng hustisya sa ekonomiya sa mga lipunan ay lagi nang isinaalang-alang ng mga tagapag-isip sa ekonomiya sa buong kasaysayan ng tao. Ang pagsasaalang-alang dito ay pinapakita ng iba’t-ibang teorya kabilang na ang teorya ni Adam Smith sa di nakikitang kamay at kawalan ng panghihimasok ng pamahalaan, ang kapakanan ng ekonomiya sa malayang ekonomika, pati na ang pagtapos ng pribadong pag-aari ng mga paraan ng produksyon sa sosyalismo.
Higit pa rito, ang ganitong mga teorya ay higit sa lahat nakapuntirya sa pag-alis ng kahirapan at pagsasapin-sapin sa lipunan, at ang pagsulong ng hustisya sa mga ugnayan sa ekonomiya.
Sa pananaw ni Plato at Aristotle, ang pagpapanatili ng hustisya sa ekonomiya ay nakabase sa meritocracy at ang bunga nitong pamamahagi ng mahahalagang posisyon sa lipunan. Sa kabilang banda, binibigyang-diin ng Islam ang kahalagahan ng pagkilala sa karapatan ng mga mamamayan at ng mga nangangasiwa na kinilala na sa mga saligan nitong patnubay at hindi pinapagpasyahan ng iisang tao lamang.
Sinulat ni Hojat-ol-Islam Hassan Agha Nazari, ang artikulong “Ekonomikong Hustisya sa Pananaw ni Plato, Aristotle at Islam” ay inilathala sa ika-14 na isyu ng Islamic Economics Quarterly.
933950