IQNA

7:33 - August 03, 2021
News ID: 3003029
TEHRAN (IQNA) - Kagawaran ng Awqaf ng Ehipto nagbalak na mag-ayos ng isang paligsahan sa pananaliksik sa mga himalang pang-agham ng Qur’an.

Pinangalanang Al-Nababiq (likas na mga talino), magsisimula ito sa Lunes at magpapatuloy hanggang Huwebes, Agosto 5, iniulat ng website ng Akhbar el-Yom.

Ang mga papeles sa pagsasaliksik sa iba't ibang mga aspeto na mga himalang pang-agham ng Qur’an sa ganong mga lugar katulad ng katawan ng tao, mga halaman, mga hayop, mga ibon at uniberso ay maaaring isumite sa paligsahan.

Ang isa pang tema ng paligsahan ay ang pagsusulat tungkol sa Balaqa (mahusay ng pagsasalita) ng Banal na Qur’an, na alin isinasaalang-alang bilang isang aspeto ng himala ng Banal na Aklat.

Ang mga papeles sa pagsasaliksik sa larangang ito ay dapat na 30 na mga pahina.

Hinimok ng kagawaran ang sinuman na magnais na makilahok sa paligsahan na magsumite ng kanilang mga papel sa mga Kagawaran ng Awqaf sa mga lungsod at mga bayan sa buong Ehipto.

Susuriin sila sa pamamagitan ng Departamento ng Fatwa at Pagpapalaganap na Pag-aaral para sa pagpipili ng mga nangunguna.

Ang pang-agham na himala ng Qur’an ay isang kuru-kuro na nagpapakita ng Qur’an ay isang himala ayon sa ilang mga pahayag sa Qur’an kasama ang mga natuklasan sa empirikal na mga agham. Mayroong mga pahayag sa Qur’an hinggil sa empirikal na mga katotohanan na hindi natuklasan sa oras ng pagsisiwalat nito. At dahil nasa labas ng kakayahan sa karaniwang tao na sabihin ang naturang mga katotohanan sa oras na iyon, ang Qur’an ay dapat isaalang-alang bilang isang himala ng Propeta Muhammad (SKNK) at bilang isang aklat na isiniwalat ng Panginoon.

Kasama sa mga halimbawa ng himalang pang-agham ng Qur’an ang mga pahayag ng Qur’an patungkol sa pag-ikot at ang landas ng Mundo, ang pinagmulan ng buhay mula sa tubig, kabigatan ng Mundo, at ang paghati ng mga halaman at mga hayop sa lalaki at babae.

Sa huling siglo, ang pang-agham na himala ng Qur’an ay naging tuon ng pansin ng maraming Qur’anikong mga iskolar sa buong mundo. Si Muhammad b. Ahmad al-Iskandarani, Rashid Rida at Tantawi ang naging unang mga iskolar na nagpahayag ng kuru-kuro.

 

 

3475403

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: