IQNA

8:21 - November 23, 2021
News ID: 3003419
TEHRAN (IQNA) – Ang kalahating pangwakas na ikot ng Kumpitesyon na Pagbabasa ng Al-Qur’an sa Matatanda na Pambansa sa Brunei ay nagsimula noong Lunes at matapos hanggang Nobyembre 24 doon sa Gusali ng Kagawaran ng Panrelihiyon na mga Kapakanan, Jalan Dewan Majlis sa Berakas, Bandar Seri Begawan.

Limampu't tatlong mga kalahok, na binubuo ng 40 mga lalaki at 13 na mga babae, ay nakikipagkumpitensya sa ganapang Qur’aniko.

Ang kumpetisyon ay ang panimulang punto at mga uri ng lugar para sa mga mambabasa ng Al-Qur’an sa bansa upang umabante sa panghuli pati na rin sa rehiyonal at pandaigdigang mga yugto.

Dahil sa mga hakbang sa pagkontrol sa COVID-19, ang kumpetisyon ay gaganapin sa isang saradong bulwagan na may presensya ng mga kalahok sa isang naka-iskedyul na batayan bilang karagdagan sa pagsusunod sa mga alituntunin sa kalusugan na inilabas ng Tanggapan ng Punong Ministro at Kagawartan ng Kalusugan.

Samantala, ang seremonya upang ipahayag ang mga resulta at ang pagtatanghal ng mga handog at mga pasalubong sa mga kalahok at mga hukom ng pagbabasa ng Al-Qur’an ay gaganapin sa Nobyembre 25.

Sa pagbibigay ng pagkakataon sa publiko na sundan ang kumpetisyon, ipapalabas ng komite ang kaganapan nang buhat sa loob ng tatlong mga araw sa pamamagitan ng opisyal na Instagram akawnt ng Kagawaran ng Panrelihiyon na mga Kapakanan @kheu.brunei at sa radyo sa pamamagitan ng Nur Islam FM, Radyo Brunei.

Samantala, ang pahayag ng mga resulta at pagtatanghal ng mga regalo at mga pasalubong ay ipapalabas din ng buhay sa Nur Islam FM.

Iyon ay inaasahan na ang kumpetisyong ay magiging panimulang punto upang isulong at higit na mapaunlad ang pagbabasa ng Al-Qur’an at higit pang hikayatin ang pamayanan tungo sa literasiya sa Al-Qur’an.

 

 

3476595

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: