Ito ay dumating pagkatapos ng pagpapasya ng Kagawaran ng Panloob ng Saudi na alisin ang paghahadlang na mga pamamaraan at ihinto ang pagtutupad ng pagbigay agwat sa bawat tao na pamamaraan sa Dakilang Moske, sa Moske ng Propeta at iba pang mga moske, na may patuloy na pangako sa pagsusuot ng maskara.
Ang Dakilang Moske ay nagbibigay ng isang malusog at ligtas na kapaligiran, kung saan ang Panguluhan para sa mga Kapakanan ng Dalawang Banal na mga Moske ay naglilinis ng hangin pang-erkondisyon sa loob ng Dakilang Moske ng siyam na mga beses sa bawat araw at nag-isteralays ng hangin gamit ang ultraviolet radiation bago ito ikalat sa moske sa pamamagitan ng espesyal na aparatong pang-erkondisyon na linisin ang hangin 100% sa pamamagitan ng ilang mga yugto.
Kasama sa mga yugto ang pag-alis ng natural na hangin mula sa bubong ng Dakilang Moske sa pamamagitan ng mga fan na pangsipsip, kung saan ibinobomba ang hangin sa mga pilter na nililinis araw-araw bago dumating ang hangin sa mga yunit na pangpalamig.
Ito ay kumakatawan sa isang paunang yugto ng paglalamig sa pamamagitan ng pagpalit ng init na gumagamit ng tubig para sa paglalamig sa pamamagitan ng mga bombing tubig na umaabot sa Dakilang Moske mula sa mga lugar ng Al-Shamiyyah at Ajyad.
Nililinis ang hangin bago isusuri ang pagpapalamig na operasyon sa pamamagitan ng tatlong iba pang mga pilter.
Gayundin, higit sa 4,000 na mga empleyado ang patuloy na ginagawang isterilisado ang Dakilang Moske, ang bubong nito, mga bakuran at mga pasilidad at inihahanda ang moske para sa mga bisita at mga mananamba sa pamamagitan ng paglilinis nito ng 10 mga beses sa isang araw gamit ang pinakabagong makinarya na ibinigay ng matalinong pamunuan upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng mga sumasamba sa pagsasagawa ng mga ritwal at mga pagdasal.