IQNA

6:34 - May 14, 2022
News ID: 3004071
TEHRAN (IQNA) – Ang ika-4 na edisyon ng kumperensya na pandaigdigan ng Imam Hussein (AS) ay nagtapos sa Karbala ng Iraq habang tinatalakay ng mga iskolar at mga mananaliksik ang mga isyung panlipunan at mga kalutasan na iniaalok ng Banal na Qur’an para sa kanila.

Pinamagatang "Banal na Qur’an at mga Isyu sa Kapanahunan  ng Lipunan", ang kumperensya sa taong ito ay inorganisa ng Astan (pangangalaga) ng Banal na Dambana ng Imam Hussein (AS) at Unibersidad ng Al-Zahra at ginanap noong Mayo 10 at 11 sa Karbala.

May kabuuang 55 na mga papeles ang ipinadala sa pangkalihim ng kaganapan at 33 sa kanila ang napili para sa kumperensya.

Itinuro ng mga mananaliksik ang ilan sa mga problema sa lipunan ngayon kabilang ang mga problema ng diborsyo, ilegal na relasyon, paglabag sa mga karapatan ng kababaihan dahil sa mga tradisyon, paglabag sa mga batas na namamahala sa lipunan, Takfir, at mga hamon na kinakaharap ng mga komunidad na Muslim, lalo na sa kanluran.

Binigyang-diin ng mga iskolar ang pangangailangang kumuha ng mga aral mula sa Qur’an at sa buhay at mga turo ng Propeta Muhammad (SKNK) at Ahl al-Bayt (SA) bilang kalutasan sa mga problemang ito.

Ipinunto rin nila ang pangangailangan ng pagpapatuloy ng naturang kumperensya na makakatulong sa paglutas ng kontemporaryong mga isyu sa lipunan.

Ayon kay Safa al-Silavi, isang opisyal ng Astan ng Imam Hussein (AS), ang mga kalahok sa kumperensya ay binanggit ang epekto ng pag-asa sa kanluraning mga teorya sa pagbaba ng lipunan, na nananawagan para sa paggamit ng mga konsepto ng Qur’an para sa paggabay sa komunidad sa tuwid na landas.

Huwaran ng ugnayang panlipunan sa pananaw ng Qur’an, perpektong lipunan sa pananaw ng Qur’an, pang-araw-araw na hamon na kinakaharap ng isang tao sa buhay at ang kanilang solusyon sa pananaw ng Qur’an, phenomenology ng teksto ng Qur’an, at reporma sa lipunan noong panahon ng Imam Hussein (AS) sa pananaw ng Qur’an ay kabilang sa mga paksa ng talakayan sa kumperensya.

 

 

3478874

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: