IQNA

10:37 - May 28, 2022
News ID: 3004130
TEHRAN (IQNA) – Binatikos ng EU ang mga plano ng rehimeng Zionista para sa pagtatayo ng halos 4,500 na bagong ilegal na mga yunit ng taong dayuhan sa sinasakop na West Bank, na nagsasabing ang mga plano ay lumalabag sa mga batas na pandaigdigan.

Ang mga pahayag ay ibinigay ni Geraldine Byrne Nason, ang Permanenteng Kinatawan ng Ireland sa Nagkakaisang mga Bansa (UN) sa ngalan ng kasalukuyan at dating Unyong Urupiano na mga Kasapi sa Konsehong Pangseguridad, France, Ireland at Estonia, na sinamahan ng Albania, sa isang sesyon ng Konseho na Pangseguridad ng UN sa New York sa Huwebes.

Idiniin ng magkasanib na pahayag na ang mga iligal na mga yunit ng taong dayuhan "ay bubuo ng karagdagang hadlang sa [tinatawag na] kalutasan sa dalawang mga estado," at "malinaw na paglabag sa pandaigdigang batas at humahadlang sa isang makatarungan, pangmatagalan at komprehensibong kapayapaan.” sa pagitan ng dalawang mga panig.

Sinabi pa ng pahayag na ang desisyon, bilang karagdagan sa retroactive na pag-apruba ng tatlong iligal na labas na kampo at mga demolisyon at pagpapalayas na nakakaapekto sa mga populasyon ng Palestino sa Silangang Jerusalem (al-Quds) at Area C, ay direktang nagbabanta sa posibilidad ng isang hinaharap na estado ng Palestino.

Nanawagan ang mga miyembro ng EU sa mga awtoridad ng Israel na "huwag magpatuloy sa anumang nakaplanong demolisyon o pagpapaalis, lalo na sa lugar ng Masafer Yatta" na alin sinabi nilang maaaring magresulta sa sapilitang pagpapaalis ng higit sa 1,200 na Palestinong mga sibilyan.

Ang pahayag ay higit pang nanawagan para sa "isang masinsinang at independiyenteng pagsisiyasat" upang linawin ang lahat ng mga aspeto ng pagpaslang ng Palestino na mamamahayag na si Shireen Abu Akleh habang sinasaklaw ang isang pagsalakay na militar ng Israel sa Jenin, at upang dalhin sa hustisya ang mga mananagutan sa kanyang pagpatay.

"Labis kaming nabigla sa karahasan na ginawa ng pulisya ng Israel sa mga nagdadalamhati sa kanyang libing," binasa ang pahayag.

Ang mga miyembro ng EU ay nag-ulit ng panawagan para sa paggalang sa kalagayan sa mga banal na lugar sa al-Quds, na binibigyang-diin ang kahalagahan ng pangangalaga ng Jordan at tiyak na papel sa bagay na ito.

"Ang lumalalang sitwasyon ay muling binibigyang-diin ang pangangailangan na ibalik ang isang pampulitikang abot-tanaw para sa isang kapani-paniwala at mabubuhay na proseso ng kapayapaan," sinabi pa ng pahayag.

Samantala, ang Embahador ng US doon sa Nagkakaisang mga Bansa (United Nations) si Linda Thomas-Greenfield at 83 na Demokratikong mga mambabatas mula sa parehong kapulungan ng Konggreso ay nagpahayag ng pagkaalarma sa mga plano ng Israeli na paalisin ang humigit-kumulang 1,300 na mga Palestino mula sa lugar ng Masafer Yatta sa katimugang bahagi ng West Bank upang bigyang-daan ang isang pook ng pagsasanay ng militar.

Itinaas ni Thomas-Greenfield ang isyu sa isang sesyon ng Konseho ng Segurtidad ng UN sa salungatan ng Israeli-Palestino noong Huwebes, habang 20 na mga senador at 63 na mga kinatawan ang nagsulat ng liham sa Kalihim ng Estado ng US na si Antony Blinken na humihimok sa kanya na makialam habang naghahanda ang Pangulo ng US na si Joe Biden na bumisita sa sinasakop na mga teritoryo sa susunod na buwan.

"Mahalagang umiwas

 mula sa mga kilos na isang panig lamang na nagpapalala sa mga tensyon at nagdudulot ng panganib sa isang [tinatawag na] dalawang bansa na kalutasan. Kabilang dito ang kalagayan sa Masafer Yatta at iba pang mga pagpapalayas, na alin patuloy naming sinusubaybayan nang mabuti at ipinahayag ang aming mga alalahanin," sinabi ni Thomas-Greenfield sa Konseho sa Seguridad.

Ang Demokratikong mga mambabatas, na pinamumunuan nina Sen. Jeff Merkley at Rep. Melanie Stansbury, ay sumulat sa kanilang liham kay Blinken na "ang gayong mga pagpapalayas ay sumisira sa ating ibinahaging demokratikong mga pagpapahalaga, sinisira ang seguridad ng Israel, at binabalewala ang mga karapatang pantao na Palestino at sibil."

"Magalang naming hinihiling na kaagad kayong makipag-ugnayan sa Israel upang maiwasan ang mga pagpapaalis na ito at karagdagang pagsasanay sa militar sa lugar," idinagdag ng mga mambabatas.

Sinabi nila na dapat aprubahan ng Israel ang buong mga plano para sa mga nayon sa Masafer Yatta upang mapanatili ng mga residente ang kanilang mga tahanan.

Sa pagitan ng 600,000 at 750,000 na mga Israeli ay sumasakop sa mahigit 250 na ilegal na mga pamayanan na itinayo mula noong 1967 na pagsakop sa mga teritoryo ng Palestino ng Kanlurang Pampang (West Bank) at Silangan al-Quds.

Nais ng mga Palestino na ang Kanlurang Pampang (West Bank) ay bahagi ng isang hinaharap na independiyenteng estado ng Palestino, na ang Silangan al-Quds bilang kabisera nito.

Ang huling igot ng kausapang Israeli-Palestino ay bumagsak noong 2014, kung saan ang patuloy na pagpapalawak ng pamayanan ng Israel ay umuusbong bilang isang mahalagang punto.

Ang lahat ng mga pamayanan ng Israel ay itinuring na labag sa batas sa ilalim ng mga batas na pandaigdigan dahil ang mga ito ay itinayo sa sinasakop na lupain.

Ang Konseho ng Seguridad ng UN ay paulit-ulit na kinondena ang proyekto ng diaboliko na dayuhang kolonyalismo ng nananakop na rehimen sa ilang mga panukala nito.

 

 

3479070

Tags: Palestino ، EU ، Israeli ، pamayanan ، Nason
Name:
Email:
* Comment:
* captcha: