IQNA

Al-Mashaer Tren ay Ipagpatuloy ang Aktibidad sa Hajj 2022

5:52 - June 13, 2022
News ID: 3004190
TEHRAN (IQNA) – Pagkatapos ng dalawang mga taong pahinga dahil sa pandemya ng COVID-19, ang Al-Mashaer tren ay nakatakdang ipagpatuloy ang aktibidad sa Hajj ngayong taon, na tumutulong sa pagdadala ng mga peregrino sa banal na mga lugar.

Ang tsanel ng Al-Ekhbariya ay naglathala ng isang video na nagpapakita ng pagsubok na operasyon ng metro, bilang paghahanda sa papalapit na panahon ng Hajj upang ihatid ang mga peregrino sa Banal na mga Lugar.

Kapansin-pansin na dahil sa pagkalat ng pandemya ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na dalawang mga taon, ang tren sa Banal na mga Lugar sa panahon ng Hajj ng mga taong 1441 AH at 1442 AH, ay nakasaksi ng pambihirang paghinto sa operasyon nito.

Gayundin, ang Hajj noong mga taong iyon ay limitado lamang sa domestiko na mga peregrino mula sa mga mamamayan at mga residente.

Sa gitna ng paghahanda ng Kaharian para sa Hajj 2022, ilang mga pangkat ng mga peregrino mula sa iba't ibang mga bansa ang nagsimulang dumating ngayong linggo.

Dumating ang unang pangkat ng panahon ng Hajj ngayong taon noong Sabado sa pamamagitan ng Paliparan na Pandaigdigan ng Prinsepe Mohammed Bin Abdulaziz sa Madinah mula sa Jakarta, na binubuo ng 450 na mga peregrino.

 

 

 

3479254

captcha