IQNA

Binatikos ng mga Jordaniano ang Pamamaraan ng Kagawaran ng Awqaf sa Qur’anikong mga Aktibidad

9:32 - June 26, 2022
News ID: 3004239
TEHRAN (IQNA) – Isang desisyon ng Kagawaran ng Awqaf ng Jordan hinggil sa Qur’anikong mga samahan para sa mga bata ay umani ng malawakang batikos sa bansa.

Kamakailan ay iniutos ng kagawaran ang reporma ng mga aktibidad ng mga samahan, na alin kaakibat sa Kalipunan na Pagsasaulo ng Qur’an ng Jordan, ayon sa website ng Arabi21.com.

Sinabi ng kagawaran na ang desisyon, na alin inihayag noong Marso, ay nilalayong ayusin at pagbutihin ang mga aktibidad ng Qur’anikong mga samahan para sa mga bata, ngunit nakikita ng mga tao at mga kilalang mga taong Qur’aniko ng bansa bilang isang pagtatangka na isara ang mga ito.

Alinsunod sa kapasiyahan, ang mga namamaha ng mga samahan ay kailangang magtrabaho ng buong panahon at magkakaroon ng limitasyon sa mga oras ng trabaho ng mga guro. Gayundin, ang mga guro ay kailangang makatanggap ng pahintulot mula sa kagawaran para sa pagtuturo ng Qur’an.

Ang isa pang paghihigpit na ipinakilala kamakailan ay ang mga samahan ay hindi maaaring magturo ng kahit ano maliban sa Qur’an at Islamikong mga halaga.

Nag-aalok ang mga samahan ng mga programa sa pagtuturo ng Qur’an para sa mga batang may edad 3 hanggang 5 taong gulang.

Ang Kalipunan ng Pagsasaulo ng Qur’an nagsabi na ang mga samahan, na itinatag 31 na mga taon na ang nakalilipas, ay tumatakbo sa ilalim ng pangangasiwa ng kagawaran ng kultura bago sinabi ng kagawaran ng Awqaf na dapat iyon pangasiwaan ang mga aktibidad.

Nanawagan ang kalipunan sa pamahalaan na muling isaalang-alang ang desisyon upang hindi iyon negatibong makaapekto sa mga aktibidad ng Qur’an ng mga samahan.

Ang mga aktibistang Jordaniano ay naglunsad ng isang kampanya sa media na panlipuan upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa mga paghihigpit ng pamahalaan na ipinataw sa mga aktibidad ng mga sentro ng pagsasaulo ng Qur’an.

 

 

 

3479439

Name:
Email:
* Comment:
* :