IQNA

Nauna ang Iraniano na Qari sa Paligsahan ng Qur’an na Pandaigdigan sa Croatia

10:48 - September 26, 2022
News ID: 3004594
TEHRAN (IQNA) – Nakuha ng kinatawan ng Iran ang nangunang premyo sa pagbigkas na kategorya sa Ika-28 na paligsahan ng Qur’an na pandaigdigan.

Si Ali Reza Mokari ay idineklara na nangungunang nagwagi sa pagbigkas ng Qur’an sa pamamagitan ng lupon ng nga mga hukom.

Nagsimula ang kumpetisyon sa kabisera ng bansang Uropiano ng Zagreb noong Huwebes, Setyembre 22 at natapos sa isang seremonya ng paggawad noong Sabado, Setyembre 24.

Noong nakaraang taon, si Sina Tabbakhi ng Iran ay nauna sa kategorya ng pagsasaulo matapos makipagkumpitensya sa 33 na mga magsasaulo mula sa 26 na mga bansa.

Ipinanganak noong 2005 sa gitnang lungsod ng Isfahan, si Ali Reza Mokari ay isang estudyante ng MA sa larangan ng Qur’an at Hadith sa Unibersidad ng Qur’anikong mga Agham at mga Pagtuturo.

Siya ay nanalo ng iba't ibang mga ranggo sa pambansa at pandaigdigan na paligsahan sa Qur’an dati, kasama ang pinakamataas na premyo sa Paligsahan ng Qur’an na Pandaigdigan na Meshkat noong nakaraang taon.

Ang batang mambabasa ng Qur’an ay kasapi ng Kumboy Pang-Qur’an na Noor (Liwanag) ng Iran na nagdaos ng mga programang Qur’aniko sa mga banal na lungsod ng Mekka at Medina sa panahon ng Hajj noong unang bahagi ng taong ito.

Sa nakalipas na mga taon, ang Iranianong mga qari at mga tagapagsaulo ng Qur’an ay nakagawa ng gandang tagumpay sa iba't ibang pandaigdigang mga kaganapan sa Qur’an na ginanap sa mga bansa katulad ng Malaysia, Russia, Kuwait, Turkey, at Croatia.

 

 

3480617

Name:
Email:
* Comment:
captcha