IQNA

Nagtapos ang Paligsahan ng Qur’an na Pandaigdigan sa Moscow; Ikatlo na Lumabas si Hosseini ng Iran

12:22 - November 22, 2022
News ID: 3004816
TEHRAN (IQNA) – Ang ika-20 edisyon ng Paligsahan ng Qur’an na Pandaigdigan sa Moscow ay nagtapos sa isang seremonya ng Linggo ng gabi, kung saan ang mga nanalo sa nangungunang mga ranggo ay inihayag at ginawaran.

Ang Moske na Cathedral sa Moscow, na alin siyang pinagdarausan ng kumpetisyon, ay nagpunong-abala din ng seremonya ng pagsasara noong Nobyembre 20.

Ang Presidente ng Konseho ng mga Mufting Ruso na si Sheikh Rawil Gaynutdin at ang mga embahador ng Muslim na mga bansa ay kabilang sa matataas na mga kalahok sa seremonya.

Ayon sa anunsyo ng lupon ng mga hukom, ang kinatawan ng Turkey na si Ahmed Kuzu ay umuwi na may pinakamataas na premyo.

Ang pangalawa ay si Abdul Rahman Faraj mula sa Ehipto at ang Iraniano na qari na si Seyed Mostafa Hosseini ay pumangatlo.

Ang ikaapat na ranggo ay napunta sa qari na kumakatawan sa Yaman.

Ang mga mambabasa ng Qur’an mula sa 21 na mga bansa, kabilang ang Russia, Bahrain, Sudan, United Arab Emirates, Syria, Morocco, Tajikistan, Kazakhstan, Tanzania, at Bangladesh ay nakibahagi sa kaganapang Qur’aniko na pandaigdigan, na alin nagsimula sa kabisera ng Russia noong Biyernes.

Inorganisa ng Konseho ng mga Mufti ng Russia ang kaganapan sa pakikipagtulungan sa Pandaigdigang Unyon ng mga Muslim.

Ang mga kasapi ng lupon ng mga mambabasa ay mga eksperto sa Qur’an mula sa Yaman, Turkey, Lebanon, Russia, at Saudi Arabia.

 

 

3481334

Name:
Email:
* Comment:
captcha