IQNA

Al-Azhar Nagpapalawak ng mga Sentro ng Qur’an para sa mga Bata

12:44 - December 21, 2022
News ID: 3004932
TEHRAN (IQNA) – Inihayag ng Sentrong Islamiko ng Al-Azhar ng Ehipto na 538 na mga sentro para sa mga bata ang pinasinayaan kamakailan.

Ang Al-Azhar ay nagpasinaya ng 538 na mga sentro ng Qur’an para sa mga bata sa mga nayon at liblib na mga ugar ng bansang Arabo, na nagdala sa kabuuang bilang ng naturang mga sentro sa 1045, iniulat ng Cairo24.

Ang interesadong mga bata sa mga kursong Qur’aniko sa pagbigkas o pagsasaulo ay maaaring kumuha ng pagsulit sa pagpasok at pagkatapos ay magsimulang matuto ng mga kasanayan sa mga sentro.

Sinabi ni Abdelmuneim Fuad, isang opisyal sa sentro ng Al-Azhar, na may mga planong isinasagawa upang malutas ang mga suliranin ng mga sentrong ito at bigyan sila ng bagong mga teknolohiya.

Ang Ehipto ay isang bansa sa Hilagang Aprika na may populasyon na humigit-kumulang 100 milyon.

Ang mga Muslim ay nagkakaloob ng humigit-kumulang 90 porsiyento ng kabuuang populasyon ng bansa.

Ang mga aktibidad sa Qur’an ay napakakaraniwan sa bansang Arabo na karamihan ay mga Muslim at marami sa nangungunang mga qari sa mundo ng Muslim sa nakaraan at kasalukuyan ay Ehiptiyano.

                           

 

3481751

captcha