Sinabi ni Ali Reza Moaf, ang Kinatawan ng Quran at Etrat ng Kagawaran ng Kultura at Gabay sa Islam, sa IQNA na dumalo sa sesyon ang ministro ng kultura at ilang bilang matataas na kasapi ng Qur’anikong pamayanan ng bansa.
Sinabi niya na binigyang-diin ng mga kalahok ang pangangailangan para sa pagpapahusay ng pandaigdigang seksyon ng pagtatanghal sa paparating na edisyon.
Kaya naman, sa isang pulong ng video na pagpupulong kasama ang Iranianong sugo sa pangkultura sa 21 na mga bansa ay ginanap kung saan napagpasyahan na ang mga kakayahan ng mga sentro ay gagamitin ng tanggapan ng kalihim ng pagtatanghal, sinabi niya.
Ayon kay Moaf, sa sesyon ng konseho ng pagawa ng patakan ay idiniin din na dapat tukuyin ang mga kakayahan ng mga kagawaran ng gobyerno at iba pang mga katawan na magagamit sa pagdaraos ng pagtatanghal.
Ang pagbibigay ng higit na pansin sa bahagi ng mga bata at mga tinedyer at mga aktibidad at mga programa para sa mga kababaihan sa eksibisyon ng Qur’an ay kabilang sa iba pang paksang binibigyang-diin sa pulong, sinabi niya.
Ang Pagtatanghal ng Qur’an na Pandaigdigan sa Tehran ay taunang inorganisa ng Kagawaran ng Kultura at Gabay sa Islam sa banal na buwan ng Ramadan.
Ang pagtatanghal ay naglalayong itaguyod ang mga konsepto ng Qur’an at pagbubuo ng mga aktibidad ng Qur’an.
Iyon ay nagpapakita ng pinakabagong Qur’anikong mga tagumpay sa bansa pati na rin ang iba't ibang mga produkto na nakatuon sa pagsulong ng Banal na Aklat.
Noong 2020 ay nakansela ang pagtatanghal at noong 2021 ay ginanap iyon sa pangbirtuwal (onlayn) dahil sa mga paghihigpit sa mikrobyong korona sa bansa.
Matapos lumuwag ang pandemya, personal na isinagawa ang Qur’anikong kaganapan noong Abril 2022 na may salawikain na "Qur’an, Aklat ng Pag-asa at Kalmado".