Noong umaga ng Peb. 22, ang mga kasapi sa Masjid ng Hespeler ay pumunta sa moske ng Winston Boulevard upang matuklasan na ang kanilang lugar ng pagsamba ay nasira, na nag-iwan sa marami ng damdamin na nag-aalala at natatakot.
Isang bato ang itinapon sa bintana ng silong, na iniwan ang pangulo ng Masjid na si Waqas Bhutta na nakapagpasabi na ang sinasadyang pagkilos ay udyok ng poot.
Ngunit hanggang sa bumalik ang mga pulis na may mga sagot ang sinasabi niya na maaari nilang gawin ay maging mas mapagbantay.
"Iniimbestigahan pa rin kaya hindi ko alam kung sigurado, ngunit lahat kami ay mas maingat kapag umalis kami papunta sa aming mga sasakyan," sinabi ni Bhutta.
Ang moske ay nagsimulang magrekomenda na ang mga taong umaalis sa Masjid ay maglakbay nang grupo-grupo at iwasang lumabas nang mag-isa.
Kahit na ang pag-atake ay hindi udyok ng poot, ang pagkilos lamang ng pagiging puntarya ay nagpapataas ng takot sa mas mataas na antas, sabi ni Sarah Shafiq, direktor na ehekutibo para sa Coalition of Muslim Women ng KW (CMW-KW).
"Ang pagiging isang tradisyunal na pinupuntarya na grupo, kapag ang mga gawaing katulad nito ay nangyari kahit na hindi ito udyok ng kapootan, ito ay lumilikha ng takot at pagkawala ng seguridad," sabi ni Shafiq.
Alinsunod sa koalisyon, ang Islamopobiya ay tumataas sa rehiyon, na nakikita ang maraming mga pangyayari na iniulat gamit ang CMW-KW onlayn na kagamitan sa pag-uulat sa rehiyon sa taong ito.
"Mayroong dalawang mga ulat sa sentro ng lungsod Kitchener noong Pebrero kung saan tinanggal ang mga hijab ng kababaihang Muslim. Ito ay isang krimen ng pagkapoot," sinabi niya.
Ang mga babaeng Muslim sa partikular ay mas madalas na tinatarget, lalo na kung sila ay nakasuot ng talukbong sa ulo.
Ito ay isa pang dahilan kung bakit inirerekomenda ni Bhutta at ng pangulo ng Masjid ng Hespeler ang mga kababaihan na umalis sa moske na manatili sa isang grupo.
Hindi nagkomento ang pulisya kung ito ay iniimbestigahan bilang isang krimen sa pagkapoot, ngunit ang kamakailang ulat ay nagsasaad na ang pulisya ay naghahanap ng anumang impormasyon tungkol sa pangyayari.
Iniulat ng StatsCan na bumababa ang mga krimeng may kaugnayan sa poot sa Muslim, mula 182 noong 2019 hanggang 82 na lang noong 2020.
Ngunit sinabi ni Shafiq na ang bilang iyon ay hindi nagpinta ng tumpak na larawan ng problema dahil marami sa komunidad ng Muslim ang hindi nag-uulat ng mga krimen ng pagkapoot sa pulisya dahil sa palagay nila ito ay madalas na isang nasayang na pagsisikap.
Isa ito sa mga dahilan na nag-udyok sa paglikha ng onlayn na kagamitan sa pag-uulat ng koalisyon.
"25 porsyento lamang ng mga krimeng ito ng poot ang iniuulat ng komunidad at isang porsyento lamang sa kanila ang aktuwal na iniimbestigahan ng pulisya," sinabi ni Shafiq. "May kakulangan ng kumpiyansa na kung mag-uulat sila kung ano ang nangyayari ay talagang magkakaroon ng kapaki-pakinabang na kalalabasan, kaya nananatili silang tahimik."
Gusto ni Bhutta at ng Masjid na mahuli at managot sa kanilang mga aksyon ang sinumang nagwasak sa kanilang moske.
"Kung ang isang tao ay nasa silid nang dumaan ang bato na iyon ay maaaring talagang masama, ito ay hindi maliit na bato," dagdag niya. "Sana lang mahanap ng pulis kung sino ang gumawa nito para medyo makapag-relax tayo."