IQNA

Ika-48 Pambansang Paligsahan sa Quran ng Iran: Inilabas ang Iskedyul para sa Panghuli na Yugto

18:48 - October 07, 2025
News ID: 3008935
IQNA – Inilabas na ang iskedyul ng mga tagapagbasa at mga tagapagsaulo ng Quran para sa kanilang pagtatanghal sa panghuli na yugto ng ika-48 Pambansang Banal na Paligsahan sa Quran ng Iran.

The Holy Quran

Ang Awqaf and Charity Affairs Organization ang naglabas ng mga talaan.

Gaganapin ang seremonya ng pagbubukas ng panghuli na yugto sa Sabado, Oktubre 18, mula 9:30 hanggang 11:30 ng umaga, at magsisimula naman ang paligsahan para sa kalalakihan sa ganap na 2:30 ng hapon sa parehong araw.

Magpapatuloy ang bahaging pasalita ng paligsahan hanggang Linggo, Oktubre 26. Gaganapin ang mga panghuli sa lungsod ng Sanandaj, sa kanlurang lalawigan ng Kurdistan, ngayong taon, at itinakda naman ang seremonya ng pagtatapos sa Lunes, Oktubre 27.

Ang Pambansang Banal na Paligsahan sa Quran ng Islamikong Republika ng Iran, na inorganisa ng Samahan ng Awqaf at Kawanggawa na mga Gawain, ay ang pinakamalaking paligsahan sa Quran sa bansa. Inaanyayahan nito ang mga kalahok mula sa iba’t ibang mga bahagi ng Iran upang makipagtagisan sa iba’t ibang mga kategorya.

Ang taunang paligsahan na ito, na itinuturing bilang pinaka-prestihiyosong kaganapan sa Quran sa Iran, ay naglalayong isulong ang mga pagpapahalagang Islamiko, palaganapin ang karunungan sa Quran, at parangalan ang natatanging mga talento. Isinasagawa ito sa iba’t ibang mga kategorya katulad ng pagbigkas ng Quran, Tarteel, pagsasaulo, at Adhan (panawagan sa pagdasal).

Ang nangungunang mga magwawagi ay kakatawan sa Iran sa pandaigdigang mga paligsahan sa Quran sa iba’t ibang panig ng mundo.

 

3494887

captcha