IQNA

Mga Surah ng Qur’an/65 Mga Kautusan Tungkol sa Diborsiyo sa Surah At-Talaq

8:08 - March 08, 2023
News ID: 3005245
TEHRAN (IQNA) – Ang Islam ay nagbigay ng natatanging pansin sa usapin ng pamilya at isinasaalang-alang ang natatanging mga tungkulin at mga responsibilidad para sa bawat kasapi ng pamilya upang sila ay mamuhay nang magkasama sa pagmamahalan at kapayapaan.

May kalutasan din ang relihiyon para sa mga mag-asawang may matinding mga alitan at hindi na makakasama. Ito ay tinalakay sa Surah At-Talaq.

Ang At-Talaq ay ang ika-65 na kabanata ng Qur’an na mayroong 12 mga talata at nasa ika-28 Juz. Ito ay Madani at ang ika-99 na Surah na ipinahayag sa Banal na Propeta (SKNK).

Talaq sa Arabiko ay nangangahulugang diborsyo. Mahigit sa kalahati ng Surah ay tungkol sa mga alituntunin na may kaugnayan sa paghihiwalay ng mag-asawa mula sa pananaw ng Islam, at dahil dito ang pangalan ng kabanata.

Sa unang bahagi ng Surah, ang mga pangkalahatang tuntunin tungkol sa diborsiyo ay binanggit kasama ng babala, pagbabanta at mabuting balita.

Pinag-uusapan din nito ang mga karapatan ng mga babae sino diborsiyado at iyong mga buntis sa oras ng diborsyo. Pagkatapos ay binanggit ng Surah ang kapalaran nakaraang mga bansa at mga lipunan bilang isang aral.

Ang ikalawang bahagi ng kabanata ay nagbibigay-diin sa kadakilaan ng Diyos, gantimpala para sa matuwid at parusa para sa mga gumagawa ng masama.

Iyon ay tumutukoy sa kapalaran ng dalawang mga pangkat: Yaong mga sumuway sa Diyos at binigyan ng matinding kaparusahan at yaong mga sumunod sa Diyos at kumilos ayon sa mga turo ng banal na mga propeta at, samakatuwid, ay tumanggap ng espesyal na patnubay ng Diyos at magtatamasa ng mga pagpapala ng paraiso.

Tinatalakay din nito ang mga isyu katulad ng Tawheed (pagkakaisa ng Panginoon), Muling Pagkabuhay at Pagkapropeta, binibigyang-diin ang pangangailangan ng Taqwa (may takot sa Diyos) at pagtitiwala sa Diyos.

 

 

3482721

captcha