IQNA

Inilunsad ng Samahan ng Muslim ang Proyekto ng Museo ng Qur’an na Pandaigdigan sa Mekka

9:39 - August 11, 2023
News ID: 3005879
MECCA (IQNA) – Nag-anunsyo ang Muslim World League (MWL) ng isang bagong proyekto para magtatag ng Museo na Pandaidigan ng Banal na Qur’an sa Makkah, ang pinakabanal na lungsod para sa mga Muslim.

Ang proyekto ay inilunsad ni Mohammad bin Abdulkarim Al-Issa, ang kalihim-heneral ng MWL, sino nagsabi na ang museo ay magpapakita ng mga himala ng Qur’an, gayundin ang mga aspetong pang-agham at kasaysayan nito.

Layunin din ng museo na ipalaganap ang mensahe at mga aral ng Qur’an at Sunnah, na alin siyang pinagmumulan ng gabay at inspirasyon para sa mga Muslim sa buong mundo.

Ang proyekto ay pinangangasiwaan ng isang pandaigdigan na konseho ng mga iskolar sino dalubhasa sa pagbigkas at pagpapakahulgan ng Qur’an. Ang museo ay magkakaroon din ng lupon ng tagapagpayo na binubuo ng kilalang mga iskolar mula sa iba't ibang mga bansang Islamiko.

Ang mga kawani ng museo ay mag-oorganisa ng iba't ibang mga kaganapan at mga aktibidad, katulad ng mga kumperensya, mga talakayan at mga panayam, upang itaguyod ang pag-unawa at pagpapahalaga sa Qur’an sa mga Muslim at hindi-Muslim, ayon sa Arab News.

Ang proyekto ng Museo na Pandaigdigan ng Banal na Qur’an ay dumating sa panahon na nagkaroon ng ilang mga insidente ng paglapastangan at kawalang-galang sa Qur’an sa ilang mga bansa sa Uropa. Ang mga gawaing ito ay nagdulot ng galit at protesta sa mga Muslim, sino itinuturing na ang Qur’an ay salita ng Diyos at isang sagradong simbolo ng kanilang pananampalataya.

 

3484699

captcha