IQNA

Ahl-ul-Bayt (AS); Mga Liwanag ng Patnubay/3 Itinaas ni Imam Sadiq ang Lahat na mga Larangan ng Kaisipan ng Shia, Sabi ng Iskolar

12:03 - November 07, 2023
News ID: 3006235
TEHRAN (IQNA) – Gamit ang pagkakataong ibinibigay ng mga pagkakaiba sa pulitika sa mga namumuno noong panahong iyon, nagawa ni Imam Sadiq (AS) na itaas ang paaralan ng pag-iisip ng Shia sa iba't ibang mga aspeto at sa lahat ng mga larangan ng ideolohiya, sabi ng isang iskolar.

Sa pakikipag-usap sa IQNA, sinabi ni Allahreza Akbari na ang Walang Kasalanan na mga Imam (AS) ay pawang mga tagapagkahulugan, mga tagapag-alaga at mga tagapagtaguyod ng Islam ngunit dahil karamihan sa mga Hadith na nakarating sa atin mula sa mga Walang Kasalanan ay mula kay Imam Sadiq (AS) itinuturing natin ang ikaanim na Imam bilang tagapagtatag ng Shiismo.

Sinabi niya na ang Imamah ni Imam Sadiq (AS) ay kasabay ng paglipat ng kapangyarihan mula sa mga Umayyad patungo sa mga Abbasid at ginamit niya ang pagkakataon upang maiangat ang paaralan ng pag-iisip ng Shia sa iba't ibang mga aspeto at sa lahat ng mga larangan ng ideolohiya at upang sanayin ang karampatang at prominenteng mga estudyante sa iba't ibang mga larangan katulad ng Fiqh (Hurisprudensiya), Usul, teolohiya, bagong mga agham at pang-empirika na mga agham.

Kahit na ang mga hindi Shia ay maaaring matuto tungkol sa iba't ibang mga aspeto ng Shia Islam sa pamamagitan ng mga pahayag ni Imam Sadiq (AS), sinabi niya.

Ang pagiging komprehensibo ng mga turo ni Imam Sadiq (AS) ay katulad na marami sa mga pinuno ng mga paaralan ng pag-iisip ng Sunni ay isinasaalang-alang ang kanilang sarili na mga estudyante ng Ika-6 na Imam (AS), sabi niya.

Idinagdag ni Akbari na ang bawat Imam (AS) ay kumilos alinsunod sa mga kinakailangan ng panahon, at iyon ang dahilan kung bakit si Imam Ali (AS) at Imam Hussein (AS) ay naglunsad ng komprontasyong militar sa mga mapang-api noong panahong iyon, ibinigay ni Imam Sajjad (AS) ang lupa para sa espirituwal na pag-angat ng lipunan sa pamamagitan ng mga pagdasal at pagsusumamo at ang Imam Sadiq (AS) ay nagdaos ng pang-iskolar at espirituwal na mga sesyon upang pangunahan ang lipunan sa banal na layunin at ipagtanggol ang Islam.

Ayon sa isang Hadith mula kay Imam Ali (AS), "Kapag ang isang Faqih at iskolar ay namatay ang isang kahungkagan ay nilikha sa Islam na hindi mapapalitan at walang makakapuno nito," sabi niya, at idinagdag na kapag ang isang iskolar ay may ganoong katayuan sa Islam, ang katayuan ng walang kasalana na Imam ay tiyak na mas mataas.

Magbasa pa:                                                                                                               

  • Imam Sadiq; Isang Pandaidigan na Kilalang Tao

Sinabi niya na si Imam Sadiq (AS) ay may mataas na katayuan sa pagiging iskolar dahil sa kanyang tungkulin sa pagtataguyod at pagpapaunlad ng mga turo ng Islam sa lahat ng mga larangan.

Idinagdag ni Akbari na ang isang lipunang Shia ay dapat makarating sa isang antas sa mga larangang pang-agham at pang-iskolar na ang lahat ng iba pang mga tao ay pupunta sa kanila upang makakuha ng kaalaman.

Binanggit niya ang isang Hadith mula kay Imam Baqir (AS) na nagsabi, "Pumunta ka sa silangan o kanluran, ngunit hindi ka makakatagpo ng tunay na kaalaman maliban sa kung ano ang nagmumula sa amin, Ahl-ul-Bayt (AS)."

Kaya't ang mga naghahanap ng tunay na kaalaman ay dapat pumunta sa Ahl-ul-Bayt (AS) at ang mga sumusunod sa paaralan ng Ahl-ul-Bayt (AS) ay dapat magsulong ng kanilang mga turo, sinabi pa ni Akbari.

 

3485893

captcha