IQNA

Quranikong Museo sa 'Bait Al-Hamd' Pinasinayaan sa Kuwait

16:13 - March 05, 2024
News ID: 3006719
IQNA – Ang Quranikong Museo na "Bait Al-Hamd" ay pinasinayaan sa Kuwait na may layuning isulong ang Quran at kaalaman sa Islam.

Nagbukas ang Museo sa Kuwait noong Pebrero, kasabay ng pambansang pagdiriwang ng bansa. Ang seremonya ng pagbubukas ay dinaluhan ng ilang mga opisyal, iniulat ng Kuwaiti media nitong katapusan ng linggo.

Ito ay itinatag sa suporta ng Kagawaran ng Awqaf at Islamikong mga Kapakanan ng bansa at sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Quran at Propetikong Tradisyon.

Inilalarawan ang "Bait Al-Hamd" bilang isang pundasyon ng pagsulong na pangkultura ng Kuwait, binigyang-diin ni Fahad Al-Dihani, Direktor ng Samahan ng Quran at Propetikong Tradisyon, ang inspirasyong arkitektura nito mula sa makasaysayang mga bahay ng Kuwait.

Binigyang-diin niya ang layunin ng museo na ipakita ang kasaysayan ng Banal na Quran, na nakatuon sa parehong mga iskolar at masining na pagsisikap sa pagsasaulo, transkripsyon, at mga kontribusyon ng mga iskolar ng Kuwait sa pagpapalaganap nito.

Magbasa pa:                            

  • Ang Canadian Muslim ay Nag-abuloy ng Pagtitipon ng Bihirang Pantatak sa Museo ng Dambana ng Imam

Sinabi rin niya na ang museo ay nag-aalok ng mga programang pang-edukasyon para sa Quraniko na pag-aaral at pagbigkas para sa iba't ibang mga pangkat ng edad, pati na rin ang pankultura na mga kaganapan, mga panayam, at mga seminar upang itaguyod ang kaalaman at pamana ng Islam.

Bukod dito, sinusuportahan ng museo ang akademikong pananaliksik sa Quranikong pag-aaral at pangangalaga sa arkeolohiko, pinoprotektahan ang mga manuskrito at lumang mga teksto, at naglalathala ng mga materyales na may kaugnayan sa Quran at pamana ng Islam, idinagdag niya.

Ang museo ay may limang pangunahing mga bulwagan, kabilang ang pang-edukasyon, audio-visual, pagtanggap, administratibo, at isang espesyal na bulwagan para sa mahahalagang koleksyon.

 

3487417

Tags: Kuwait
captcha