IQNA

Ulul Amr sa Quran/3 Nang Inaprubahan ng Diyos ang Islam bilang Relihiyon

16:50 - July 02, 2024
News ID: 3007205
IQNA – Sinasabi ng Banal na Quran sa bahagi ng Talata 3 ng Surah Al-Ma’idah na “sa araw na ito ay nawalan ng pag-asa ang hindi naniniwala sa iyong relihiyon… at ang iyong relihiyon ay naging ganap”.

Ang tanong, ano ang nangyari noong araw na iyon kaya inaprubahan ng Diyos ang Islam bilang relihiyon.

Ang Kaganapan ng Ghadir, na alin naganap sa taong sampu pagkatapos ng Hijrah, ay isang napakagandang kaganapan na ilang mga talata ng Quran ay ipinahayag tungkol nito.

Kabilang sa mga ito ang Talata ng Tabligh na ipinahayag bago ito at binibigyang-diin ang pangangailangan at kahalagahan na ihatid ang banal na utos: “O Mensahero, ihatid ang ipinadala sa iyo mula sa iyong Panginoon; kung hindi mo gagawin, hindi mo naihatid ang Kanyang Mensahe." (Talata 67 ng Surah Al-Ma’idah)

Kabilang sa mga talata na ipinahayag pagkatapos ng Kaganapan ng Ghadir ay ang Talata ng ikmal al-din (pagiging ganap ng relihiyon): “Ang mga hindi naniniwala sa araw na ito ay nawalan ng pag-asa sa iyong relihiyon. Huwag matakot sa kanila, bagkus katakutan Ako. Sa araw na ito ay Aking ginawang ganap ang inyong relihiyon para sa inyo at tinapos ang Aking pabor sa inyo. Inaprubahan ko ang Islam bilang inyong relihiyon." (Talata 3 ng Surah Al-Ma'idah)

Ang bahaging ito ng talata ay medyo independyente mula sa unang bahagi na nag-uusap tungkol sa kung ano ang karne na maaaring kainin, dahil, una sa lahat ang pagkain o hindi pagkain ng karne ay walang kinalaman sa mga hindi naniniwala na nawalan ng pag-asa sa relihiyon. Pangalawa, ang mga Hadith tungkol sa Shaan Nuzul (kalagayan ng paghahayag) ng talata ay pangunahing ipinapaliwanag ang bahaging ito (sa pagiging ganap ng relihiyon) hindi ang mga bahagi bago at pagkatapos nito. At pangatlo, ayon sa mga Hadith ng Shia at Sunni, ang bahaging ito ay ipinahayag pagkatapos ng Kaganapan ng Ghadir.

Binanggit ng Quran ang pangunahing mga tampok para sa isang araw kung saan ang salitang 'Al-Yawm" (ngayon) ay ginamit nang dalawang beses. Kabilang sa mga tampok na iyon ay: 1- Ang araw ng kawalan ng pag-asa ng mga hindi naniniwala, 2- Ang araw ng pagiging perpekto ng relihiyon, 3- Ang araw ng pagkumpleto ng banal na pabor sa mga tao, 4- Ang araw kung saan ang Islam ay inaprubahan ng Diyos bilang perpektong relihiyon. Kung ang bawat isa sa mga bagay na ito ay nangyari sa isang araw, ito ay sapat na upang tawagin itong isang Yawm Allah (Araw ng Diyos), pabayaan ang lahat ng ito ay nangyayari sa isang araw.

Ang ibang mga Hadith at mga teorya katulad ng paghahayag sa Araw ng Arafah ay hindi nag-aalok ng tamang paliwanag dahil sa mga tampok ng araw na ito. Halimbawa, dapat magtaka kung ano ang nangyari sa ika-9 na araw ng Dhul Hijjah na nawalan ng pag-asa sa mga hindi naniniwala. O paano masasabi ng isang tao na ang pagtuturo ng mga ritwal ng Hajj (pagtuturo ng isang bahagi ng isang panrelihiyon na tungkulin) ay may kinalaman sa pagiging perpekto ng relihiyon?

Ang talatang ito (3 ng Surah Al-Ma’idah) ay tungkol sa pagiging perpekto ng relihiyon at pagkumpleto ng banal na pabor sa mga tao. Ang Sharia ng relihiyon ay natapos noong nabubuhay pa ang Banal na Propeta (SKNK) ngunit upang mamuno sa Islamikong pamahalaan tungo sa nais na patutunguhan at upang maipatupad ang mga alituntunin ng Islam sa lipunan, kailangan ng isang prinsipyo na magpapatatag sa relihiyon (kawalan ng pag-asa sa mga hindi naniniwala), gawing ganap ang relihiyon, at kumpletuhin ang banal na mga pagpapala (para sa mga Muslim).

Dahil ang pangunahing layunin ng relihiyon ay pagsasabatas ng banal na mga alituntunin, upang maipatupad ang mga tuntuning ito, ang isang tao ay dapat mapili upang pagkatapos ng Banal na Propeta (SKNK), walang kalituhan sa pag-unawa at pagpapatupad ng mga alituntunin ng Islam. Ito ay makakamit lamang sa pamamagitan ng paghirang ng pinuno ng Islamikong Ummah.

Ang Wilayat ay ang huling Faridhah (utos, tungkulin sa panrelihiyon) kung saan ipinahayag ang isang talata at pagkatapos ay sinabi ng Diyos na hindi na Siya magpapadala pa ng Faridhah, dahil ang relihiyon ay naging perpekto at ang misyon ng Banal na Propeta (SKNK) ay natapos sa Imamah: “Kung hindi mo gagawin, hindi mo naihatid ang Kanyang Mensahe."

Sa katunayan, ang kahihinatnan ng Risalah (misyon ng propeta) ay walang iba kundi ang Wilayat, kung wala ang relihiyon, Risalah, at ang pagpapala ng Hidayah (patnubay) ay hindi kumpleto, katulad ng sinabi ng Banal na Propeta (SKNK) sa isang Hadith, na isinalaysay ng parehong Sunni at mga pinagkunan ng Shia: "Ang namatay na walang Imam at pinuno ay namatay sa kamatayan ng Jahiliyyah."

 

3488931

captcha