IQNA

Pangunahing Tema ng Edukasyong Islamiko ng Latin American, Pagpupulong na Caribbeano na mga Muslim sa Brazil

15:30 - December 03, 2024
News ID: 3007783
IQNA – Ang Sao Paulo ng Brazil ay nagpunong-abala ng Ika-37 na Pandaigdigan na Pagpupulong ng Latin American at Caribbeano na mga Muslim.

Inorganisa ng Islamic Dawah Center sa Brazil sa pakikipagtulungan sa Saudi na Kagawaran ng Islamikong mga Gawain, Dawah at Gabay, binuksan ito noong Biyernes.

Ang tatlong araw na kaganapan ay ginaganap sa ilalim ng temang "Edukasyong Islamiko sa Latin America at Caribbean: Ang Tungkulin Nito sa Pagpapanatili ng Pagkakakilanlan" sa Konseho ng Munisipal ng São Bernardo do Campo. Nagtatampok ito ng partisipasyon ng mga ministro, mga iskolar, mga mananaliksik, at mga espesyalista mula sa mga bansang Arabo at Islamiko, gayundin mula sa Latin America at Caribbean.

Ang pagbubukas ng seremonya ay nagsimula sa isang pelikula na nagpapakilala sa kumperensiya at sa misyon nito.

Ang Pederal na Kinatawan ng Brazil na si Vicente Paulo da Silva, na nagsasalita sa ngalan ng Pangulo ng Brazil na si Luiz Inácio Lula da Silva, ay nagbigay-diin sa paggalang at kilalang papel ng mga Muslim sa pag-unlad at kaunlaran ng Brazil.

Pinuri niya ang matibay na ugnayan sa pagitan ng Saudi Arabia at Brazil, na alin itinayo sa pagkakaisa at paggalang sa isa't isa, at binanggit ang malalim na pagmamahal ng Brazil para sa mga Arabo, lalo na sa pamamagitan ng kaugnayan nito sa Kaharian.

Sa pagbibigay ng talumpati sa ngalan ng Saudi na Ministro ng  Islamikong mga Gawain, Dawah, at Gabay na si Abdullatif Al Alsheikh, binigyang-diin ng pangalawang kalihim ng kagawaran na si Awad bin Sabti Al-Enezi na ang kaalaman ang bumubuo sa pundasyon ng mga matuwid na gawa, na nagbibigay-daan sa tamang mga paniniwala at mga gawain sa pagsamba.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng edukasyong Islamiko sa paglilinaw ng maling mga kuru-kuro at pagtataguyod ng pag-unawa upang labanan ang kamangmangan.

Kasama rin sa pambungad na sesyon ang mga talumpati mula sa mga pinuno ng mga delegasyon at kalahok na mga misyon, na binibigyang-diin ang kahalagahan ng tiyempo ng kumperensiya at ang tematikong pokus nito.

 

3490886

captcha