IQNA

Lunar Hijri na Buwan ng Rajab/1 Kahalagahan ng Buwan ng Rajab

18:14 - January 07, 2025
News ID: 3007913
IQNA – Ang Rajab ay ang ikapitong buwan sa kalendaryong lunar na Islamiko. Ang pangalan ng buwang ito sa Arabik ay nagmula sa salitang-ugat na "r j b" na nangangahulugang pinarangalan at kahanga-hanga.

Napili ang pangalang ito dahil iginagalang ng mga Arabo ang buwang ito mula pa noong sinaunang panahon at pinipigilan silang makipagdigma sa panahon nito.

Ang Rajab ay isa sa sagradong mga buwan kung saan ang labanan at pagdanak ng dugo ay ipinagbabawal. Ang buwang ito ay may kahalagahan dahil sa mahahalagang kaganapan katulad ng Mab'ath (paghirang sa pagkapropeta ni Propeta Muhammad (SKNK)) at ang kapanganakan ni Imam Ali (AS), at ito ay sumasakop sa isang espesyal na lugar sa kalendaryong Islamiko.

Ang buwang ito ay may ilang iba pang mga pangalan, kabilang ang Rajab al-Fard, Rajab al-Mudhar, Rajab al-Asm, Rajab al-Murajjab, Rajab al-Haram, Munsal al-Assinah, at Munsal al-All. Ang bawat isa sa mga pangalang ito ay tumutukoy sa isang partikular na katangian ng buwang ito. Halimbawa, pinangalanan ang Rajab al-Fard para sa paghihiwalay nito sa iba pang sagradong mga buwan, habang pinangalanan ang Rajab al-Mudhar bilang pagkilala sa espesyal na paggalang na taglay ng tribong Mudhar para sa buwang ito.

Ang Rajab ay isa sa sagradong mga buwan na nakahiwalay sa iba pang sagradong mga buwan (Dhu al-Qi'dah, Dhu al-Hijjah, at Muharram na sunod-sunod na darating).

Sa panahon na wala ang Islam, nagsimula ang taon sa buwan ng Rajab, at ang tumalon na buwan ay inilagay pagkatapos ng Jumada al-Thani at bago ang Rajab. Sa panahong iyon, ang Rajab ay may malaking kahalagahan at paggalang sa mga Arabo. Sa buwang ito, ipinagbabawal ang digmaan, pagdanak ng dugo, pagpatay, pandarambong, at sorpresang pag-atake at itinuturing na Haram.

Bukod pa rito, isa sa kapansin-pansing mga kaganapan sa panahon ng Rajab, bago at pagkatapos ng pagdating ng Islam, ay ang pagtatatag ng ilang mga pamilihan (souq) sa buwang ito, kabilang ang Souq ng Suhar, na ginanap sa unang araw ng Rajab, at ang Souq ng Daba, na alin nagpatuloy hanggang sa katapusan ng buwan.

Matapos ang paglitaw ng Islam, ang pagpipitagan at kahalagahan ng buwang ito ay tumaas, na nagdaragdag ng kabanalan ng panrelihiyon nito.

 

3491345

captcha