IQNA

Ika-9 na Kumperensiya na Pandaigdigan ng Arbaeen: Tumawag para sa mga Papel

16:36 - April 16, 2025
News ID: 3008321
IQNA – Ang Karbala Center for Studies and Research, na kaakibat ng Astan (pangangalaga) ng banal na dambana ni Imam Hussein (AS) ay nagpahayag ng panawagan para sa Ika-9 na Pandaigdigan na Kumperensiyang Siyentipiko sa Paglalakbay ng Arbaeen.

Ang kumperensiya ay aayusin ng Astan sa pakikipagtulungan sa sentro gayundin sa ilang akademikong mga samahan, mga unibersidad at mga sentro sa Iraq.

Ang salawikain ng kaganapang pang-iskolar ngayong taon ay "Paglalakbay ng Arbaeen; Isang Pagpapakita ng mga Espirituwal na Pagpapahalaga at Siyentipikong Pag-unlad".

Mga layunin ng kumperensiya:

- Pagpapalakas sa proyekto ng sibilisasyon: pagbibigay-diin sa kahalagahan ng sibilisasyon na isang manipestasyon kung saan ay ang poaglalakbay ng Arbaeen at binibigyang-diin ang mataas na halaga ng tao sa harap ng intelektwal na mga hamon.

- Naghihikayat sa mga pag-aaral at pananaliksik: Pagsuporta sa pananaliksik na may kaugnayan sa paglalakbay ng Arbaeen sa iba't ibang mga larangan.

- Pagpapakita ng papel na ginagampanan ng mga halaga ng tao: pagkuha ng mga aral na natutunan na kinakailangan upang bumuo ng isang banal na lipunan - batay sa plano ng pagbabago na ipinanawagan ni Imam Hussain (AS).

- Pagpapahusay ng pagtutulungang pangkultura: Paghihikayat ng bukas na diyalogo sa mga isyung pangkultura at panlipunan na may paggalang sa mga pananaw ng iba.

- Pagsusuri sa mga aksiyon ng nakaraang mga rehimen (namumuno sa Iraq): Pagsusuri sa mga aksiyon ng nakaraang naghaharing mga rehimen tungkol sa ritwal ng paglalakbay sa Arbaeen at ang mga paraan na kanilang ginamit laban sa mga peregrino.

- Paglikha ng angkop na pang-agham na kapaligiran: Paglikha ng kapaligirang naghihikayat sa komunikasyon at pagpapakita ng bagong mga ideya upang makahanap ng napapanatiling mga kalutasan sa maraming mga hamon.

- Dokumentasyon ng intelektwal na mga produkto: paglalathala ng intelektwal na resulta ng mga mananaliksik sa dalubhasang siyentipikong pahayagan ng sentro.

- Pagpapalakas ng ugnayang pangrelihiyon at pambansa: Pagbubuhay ng pinakamataas na halaga ng tao at paggawa ng paglalakbay ng Arbaeen sa isang kaganapan sa sibilisasyon na pinagsasama-sama ang lahat ng Iraqi na mga espektro at lahat ng mga bahagi ng Islamiko at lipunang pantao.

 

- Mga pagkakataon sa larangan para sa mga mananaliksik: Pagbibigay ng mga pagkakataon sa larangan upang makilala ang kultura ng paglalakbay ng Arbaeen at ang sistema ng mga pagpapahalagang pantao na nilikha ng mga peregrino.

- Pananaliksik sa aplikasyon ng modernong mga teknolohiya: ang paggamit ng teknolohikal na mga kasangkapan sa pagbuo ng pampublikong mga serbisyo sa mga peregrino, katulad ng mga aplikasyon ng artipisyal na katalinuhan (artificial intelligence).

- Pag-aaral sa kababalaghan ng milyun-milyong paglalakbay: Pagsusuri at pag-aaral sa milyun-milyong mga tao na dumadalo sa palalakbay bawat taon at pagbibigay ng mga pananaw at mga programang kinakailangan para pamahalaan ang populasyon na iyon.

Ang sentro ay nag-imbita ng mga iskolar at mga mananaliksik na magsumite ng kanilang mga papel sa mga tema ng kumperensiya.

Ang mga may-akda ng mga napiling papel ay iimbitahan na dumalo sa kumperensiya at ipakita ang kanilang gawain sa Karbala (ang tirahan at mabuting pakikitungo ay ibibigay ng Sentro ng Karbala para sa Pag-aaral at Pananaliksik).

Ang huling-arawa para sa pagsusumite ng mga papeles sa Hunyo 15, 2025 at ang pandaigdigan na kumperensiya ay gaganapin sa Karbala sa Agosto 17-18, 2025.

 

3492675

captcha