Sinaliksik ng sesyon ang isang hanay ng napapanahong kasalukuyang mga isyu, kabilang ang kapakanan ng bata, ang panghurisprudensiya na prinsipyo ng istishab (pagpapalagay ng pagpapatuloy) at ang makabagong mga aplikasyon nito, mga pasya ng Islam at etikal na mga pagsasaalang-alang na may kaugnayan sa artipisyal na katalinuhan (artificial intelligence), paglalaro sa elektroniko (electronic gaming), at mga pagbabayad ng interes sa utang ng ikatlong-partido.
Ang IIFA, na nagpapatakbo sa ilalim ng payong ng Organization of Islamic Cooperation (OIC), ay nagbigay-diin na ang responsibilidad ng pangangalaga at pag-aalaga ng mga bata ay magkakasamang nahuhulog sa pamilya, lipunan, at estado, sa dalawa sa legal at etikal na paraan. Nanawagan ito para sa pagpapanatili ng Islamiko at pambansang pagkakakilanlan ng mga bata.
Binigyang-diin ng mga rekomendasyon sa kumperensiya ang pangangailangang protektahan ang mga bata mula sa lahat ng mga uri ng pinsala, kabilang ang pisikal at damdamin na pang-aabuso, pangingikil, pananakot, panliligalig, pasalita man, sekswal, o sayber (cyber); at iba't ibang mga anyo ng karahasan. Pinanagutan nito ang mga magulang sa pagprotekta sa mga bata sa panahon ng armadong mga labanan, mga digmaan, at paglilipat, na binibigyang-diin ang kahalagahan ng pangangalaga sa pagkakakilanlang pangkasarian ng mga bata upang matiyak ang kanilang likas na pag-unlad.
Binigyang-diin din ng IIFA ang pangangailangang palakihin ang mga bata na may moral na batayan para sa digital na mundo. Hinimok nito ang mga pamilya na subaybayan ang pagkuha ng mga bata sa mga digital na plataporma upang maiwasan ang pagkakalantad sa hindi naaangkop na nilalaman o maling impormasyon. Nanawagan ito para sa mas mataas na pangangalaga para sa mga bata na may espesyal na mga pangangailangan at higit na pagsisikap tungo sa kanilang pagsasama sa lipunan sa pamamagitan ng pangkalahatan na mga kapaligiran.
Kabilang sa pangunahing mga rekomendasyon ay ang mga panawagan na itanim ang mga pagpapahalagang Islamiko at mga gawaing panrelihiyon sa mga bata, bumalangkas ng isang komprehensibong paraan sa Islam para sa kapakanan ng bata at Islamikong media, at isama ang mga prinsipyong ito sa pambansang batas. Hinimok ng IIFA ang pagbuo ng mga gabay sa kamalayan para sa mga propesyonal na nagtatrabaho kasama ang mga bata, suporta para sa mga programa sa pisikal na pagsasanay, lalo na sa pamamagitan ng nakatuong mga kaloob para sa mga batang may espesyal na pangangailangan, at ang organisasyon ng mga paggawan upang turuan ang mga magulang na Muslim sa kontemporaryong mga hamon sa pagkabata, pagpapanatili ng pagkakakilanlan ng relihiyon, at pagpapaunlad ng likas na dignidad ng tao.
Tungkol sa prinsipyo ng istishab, pinatunayan ito ng Akademya bilang isang lehitimong legal na kaganitan na nagpapanatili ng katayuan ng isang naunang desisyon sa halip na magtatag ng mga bago. Ipinaliwanag nito na ang istishab ay maaaring gamitin para sa parehong pagpapatibay at pagtanggi sa legal na mga kondisyon depende sa estado ng katiyakan o pagdududa.
Sa artipisyal na katalinuhan (artificial intelligence), ang IIFA ay nagrekomenda ng karagdagang pag-aaral sa legal na personalidad ng AI at nanawagan ng espesyal na symposia upang suriin ang mga pagpapaunlad at etika ng AI.
Katulad ng para sa mga pagbabayad ng interes ng ikatlong-partido na pautang at mga desisyon sa mga garantiya at mga sulat ng kredito, nagpasya ang Akademya na ipagpaliban ang mga bagay na ito para sa karagdagang pag-aaral.
Sa mga larong digital at elektroniko, tinukoy ng Akademya ang mga ito bilang mga interaktibo na pisikal at kaisipan na aktibidad sa pamamagitan ng modernong teknolohiya o digital na mga plataporma, katulad ng aksyon, pakikipagsapalaran, palaisipan, at mga larong pang-isport. Ipinasiya nito na ang paglalaro ng digital na mga laro ay pinahihintulutan, basta't hindi kasama sa mga ito ang mga paglabag sa panrelihiyon o moral, o nagdudulot ng pinsala sa pananampalataya, talino, katawan, kayamanan, o iba pa. Ang paggawa at pangangalakal ng digital na mga laro at bayad na (prepaid) kard sa laro ay itinuring ding pinahihintulutan sa ilalim ng mga kalagayang ito.
Inirerekomenda ng IIFA ang pagbuo ng digital na mga manwal sa edukasyon at ang pagtatatag ng mga balangkas ng regulasyon upang limitahan ang mga panganib ng mga digital na laro. Nanawagan din ito para sa aktibong pangangasiwa ng magulang at lipunan, mga kampanya ng kamalayan sa mga plataporma ng media tungkol sa mga kalamangan at kahinaan ng naturang mga laro, at patnubay para sa mga tagapag-unlad na lumikha ng mga alternatibong nakakaengganyo at batay sa mga halaga.
Sa pagsasaalang-alang sa kalusugan ng isip at legal na kapasidad, ikinategorya ng Akademya ang sikolohikal na mga karamdaman sa tatlong mga uri batay sa epekto nito sa kamalayan, pag-unawa, at paggawa ng desisyon. Binigyang-diin nito na ang mga pagtatasa ng sakit sa isip at ang mga epekto nito sa legal na kakayahan ay dapat gawin ng kuwalipikadong mga propesyonal sa saykayatriko.
Inirerekomenda din ng IIFA ang mga programa ng kamalayan para sa mga hukom at mga iskolar ng relihiyon sa legal na mga implikasyon ng sakit sa pag-iisip, kasama ang pinagsamang mga sesyon ng pagsasanay para sa mga hurado at mga propesyonal sa kalusugan ng isip upang makagawa ng pangmalawakang mga patnubay.
Sa mga regulasyong pinansiyal, pinagtibay ng Akademya ang naunang mga desisyon tungkol sa kahalagahan ng pangangasiwa ng Sharia na Islamikong banking, kabilang ang mga tungkulin, mga kundisyon, mga pamamaraan, at kalayaan nito. Idiniin nito ang pangangailangan para sa isang pinag-isang balangkas ng mga tuntunin at mga pamamaraan upang balansehin ang pagsunod sa panrelihiyon sa mga layuning pang-ekonomiya sa mga institusyong pinansiyal ng Islam.
Nanawagan ang IIFA para sa isang pinag-isang balangkas ng sanggunian para sa industriya ng pananalapi ng Islam na nagpapanatili ng pagkakakilanlan nito at gumagabay sa mga desisyon sa kredito sa kasaping mga estado at mga komunidad ng Muslim.
Tungkol sa isyu ng pagpapakain sa mga sanggol na wala pa sa panahon ng donasyong gatas, tinukoy ng IIFA ang pagpapasuso bilang proseso ng gatas mula sa isang babaeng umabot sa tiyan ng isang batang wala pang dalawang taong gulang. Ang mga sanggol na wala sa panahon, ang mga ipinanganak bago makumpleto ang 37 na mga linggo ng pagbubuntis, ay may karapatan sa pagpapasuso, mula man sa kanilang mga ina o iba pang mga donante. Ang mga donante ay may karapatang humiling ng pagiging kumpidensiyal tungkol sa kanilang mga pagkakakilanlan.
Hinimok ng Akademya ang mga awtoridad sa kalusugan na magpatupad ng legal na mga balangkas na namamahala sa donasyon ng gatas upang mapangalagaan ang mga karapatan at kagalingan ng mahihinang grupong ito, at nanawagan sa mga ministeryong pangkalusugan na tiyakin ang sapat na pangangalaga at suportang mga hakbangin para sa kanila.
Sa usapin ng pinalaki sa laboratoryo na karne, inaprubahan ng Akademya ang pagkonsumo at pagmemerkado nito sa ilalim ng partikular na mga kundisyon: ang pinagkunan ng mga selyula ay dapat magmula sa mga hayop na pinahihintulutang kainin at, kung naaangkop, kinakatay ayon sa batas ng Islam, hindi nilinang sa ipinagbabawal na mga sangkap katulad ng dugo, at binuo sa ilalim ng mapagkakatiwalaang pangangasiwa ng regulasyon. Binigyang-diin din nito ang pangangailangan para sa ganap na malalaman ng mga mamimili, pagsunod sa mga pamantayan sa kaligtasan ng pagkain, at pagtiyak na makadagdag ang naturang mga produkto sa halip na palitan ang tradisyonal na mga pinagkukunan ng karne.
Sa wakas, sa mga genetically modified (GM) na pagkain, pinahintulutan ng IIFA ang kanilang pagkonsumo kapag nagmula sa mga hayop na pinahihintulutang kainin, sa kondisyon na ang mga proseso ng pagbabago ay ligtas, sumusunod sa Sharia, at hindi nakakapinsala sa kalusugan. Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagsisiwalat ng may-katuturang impormasyon tungkol sa mga pagkaing GM at ang kanilang mga paraan ng paghahanda.