IQNA

Ang Nanlalapastangan sa Quran na si Rasmus Paludan ay Nakaligtas sa Buong Hatol sa Sweden

16:42 - October 08, 2025
News ID: 3008941
IQNA – Ang hatol laban kay Rasmus Paludan, isang ekstremong kanan na pulitikong Danish-Swedish sino ilang ulit nang lumapastangan sa Banal na Quran, ay ipinawalang-bisa ng isang korte sa Sweden.

Rasmus Paludan, a far-right Danish-Swedish politician who has desecrated the Holy Quran several times (R).

Noong Oktubre 6, bahagyang pinawalang-sala ng korte ng apela sa Sweden si Paludan, sino noong 2022 ay nahatulan ng krimeng may kinalaman sa poot laban sa mga Muslim dahil sa mga pahayag na ginawa niya habang sinusunog ang Quran. Ipinatigil din ng korte ang kaniyang apat na buwang sentensiya sa bilangguan.

Pinawalang-sala ng korte ng apela ng Skane at Blekinge si Rasmus Paludan sa isa sa dalawang kasong kinakaharap niya, sa paghatol na ang kaniyang mga pahayag ay pumupuna sa Islam bilang isang ideya at hindi laban sa mga tagasunod nito. Ipinatigil ang kaniyang sentensiya at pinagmulta siya ng 50 araw na multa na tig-50 crowns (S$6.90) bawat isa.

Noon, parehong nakaranas ang Denmark at Sweden ng sunod-sunod na pampublikong protesta kung saan ilang anti-Islam na mga aktibista ang nagsunog o sumira ng mga kopya ng Quran, na nagdulot ng matinding galit sa mga bansang Muslim at panawagan na ipagbawal ng mga pamahalaan sa Hilagang Uropa ang ganitong mga gawain. Bilang mamamayan ng parehong Denmark at Sweden, ilang ulit nang sinunog ni Paludan ang Banal na Aklat ng Islam sa publiko, at minsan pa nga ay binalot niya ito ng tusino.

Bagaman pinahihintulutan ng batas ng Sweden hinggil sa kalayaan sa pagpapahayag ang pagsunog ng mga tekstong panrelihiyon, ang paghahasik ng poot laban sa isang etnikong o pambansang grupo—kagaya ng pag-insulto o panlilibak sa mga Muslim—ay maaaring ituring na paglabag sa batas.

Ayon sa korte ng apela, ang mga pahayag ni Paludan noong Abril 2022 ay maaaring ipakahulugan bilang mga puna laban sa relihiyon, na alin ayon sa kanila ay hindi maituturing na krimen ng paghihikayat ng poot laban sa isang etnikong grupo.

“Dahil sa katotohanang ang naturang politiko ay pumuna sa Islam bilang isang ideya sa iba pang bahagi ng pagtitipon, hindi malinaw... na ang mga pahayag na binabanggit ay dapat ipakahulugan na isang pag-atake o pagpuna sa mga Muslim bilang isang grupo,” ayon sa pahayag ng korte.

 

3494902

captcha