IQNA

Moske ng Banu Anif: Isang Walang Bubong na Makasaysayang Monumento sa Medina

20:20 - July 02, 2025
News ID: 3008595
IQNA – Ang banal na lungsod ng Medina ay may dose-dosenang mga lugar na itinayo noong buhay ng Banal na Propeta (SKNK).

The Banu Anif Mosque in Medina, Saudi Arabia

Ang isa sa mga ito ay ang Moske ng Banu Anif sa timog-kanluran ng Moske ng Quba, na alin matatagpuan sa kapitbahayan ng Al Usbah, wala pang 500 na mga metro mula dito.

Ang makasaysayang moske na ito ay pinangalanan sa tribo ng Banu Anif, isang tribo na nakipag-alyansa sa mga tao ng Quba noong panahong iyon.

Tinutukoy din ng ilang mga mananalaysay ang moske na ito bilang "Al-Sabh" o "Al-Musabah".

Kilala ang moske na ito sa orihinal at simpleng arkitektura nito. Ito ay gawa sa maitim na mga batong bulkan at walang bubong. Ang lawak nito ay humigit-kumulang 37.5 na mga metro kuwadrado.

Ang moske ay sumailalim sa masusing pagpapanumbalik bilang bahagi ng pagsisikap ng Awtoridad ng Pagpaunlad sa Rehiyon ng Medina na mapanatili ang mga lugar na may kaugnayan sa panahon ng Banal na Propeta (SKNK).

Bilang isa sa mga buhay na simbolo ng Hijra ng Propeta (SKNK), ang Moske ng Banu Anif ay simbolo ng kalagayan ng tao na may malalim na espirituwal na pag-unawa.

Ang moske na ito ay bahagi ng mga proyektong pangkultura at panrelihiyon sa turismo, at pinangangasiwaan ng Awtoridad ng Pagpaunlad sa Rehiyon ng Medina ang pagpapatupad nito na may layuning ipakilala ang mga relihiyoso at makasaysayang lugar ng Medina sa mga peregrino sa isang komprehensibong pamamaraan.

Banu Anif Mosque: A Roofless Historical Monument in Medina

Banu Anif Mosque: A Roofless Historical Monument in Medina

Banu Anif Mosque: A Roofless Historical Monument in Medina

3493658

captcha