IQNA

Mahigit 14,000 na mga Qari ang Naglaban sa Ehipto para sa Pinakamataas na mga Parangal sa Pagbasa ng Quran

14:39 - November 16, 2025
News ID: 3009085
IQNA – Isang bagong pambansang paghahanap para matuklasan ang pinakamahuhusay na mga mambabasa ng Quran sa Ehipto ang nagsimula kasabay ng pangunahin ng “Dawlet El Telawa (Estado ng Pagbigkas)”.

Members of judging panel of “Dawlet El Telawa (State of Recitation)” in Egypt.

Ang unang episodyo ng Dawlet El Telawa ay ipinalabas noong Biyernes, na nagbukas ng isang bagong paglalakbay upang matuklasan ang umuusbong na mga talento sa pagbigkas ng Quran at Tajweed.

Ipinapalabas ang palatuntunan tuwing Biyernes at Sabado sa Al-Hayah, CBC, at Al-Nas TV na mag tsanel, gayundin sa WATCH IT na plataporma.

Mahigit 14,000 na mga kalahok mula sa iba’t ibang mga bahagi ng Ehipto ang lumahok sa mga audition para sa palabas, na iniharap sa pakikipagtulungan ng Ehiptiyanong Kagawaran ng Awqaf at United Media Services.

Sa pamamagitan ng ilang mga yugto ng pagpili, nabawasan ang bilang hanggang sa nangungunang 32 na mga talento sino magtatagisan sa huling mga episodyo, na pamamahalaan ng isang espesyal na komiteng pang-iskolar mula sa Kagawaran ng Awqaf, pinamumunuan ni Dr. Osama Al-Azhari.

Pinagsasama ng lupon ng mga hurado ang nangungunang mga personalidad sa relihiyon at akademya mula sa Ehipto at sa Islamikong mundo, kabilang sina Sheikh Hassan Abdel Nabi, Kinatawang Pangulo ng Komite sa Pagsusuri ng Quran ng Azhar; tinig at Maqamat dalubhasa na si Dr. Taha Abdel Wahab; tagapangaral na si Mostafa Hosny; at tanyag na qari na si Sheikh Taha Al-No’mani.

Ang kabuuang halaga ng mga premyo para sa Dawlet El Telawa ay umaabot sa 3.5 milyong EGP. Ang dalawang mga nagwagi ng unang puwesto sa kategoryang pagbigkas at Tajweed ay makatatanggap ng 1 milyong EGP at ang karangalang pagtatala ang buong Banal na Quran gamit ang kanilang mga tinig para sa tsanel ng Misr Quran Kareem.

Mabibigyan din sila ng prestihiyosong pagkakataong manguna sa Taraweeh na mga pagdarasal sa Moske ng Imam Hussein (AS) sa darating na Ramadan.

Pinangungunahan ni Aya Abdelrahman, ang Dawlet El Telawa ay nagmamarka ng makasaysayang hakbang sa pagsuporta sa mga talento sa Quran, sa muling pagbuhay ng tunay na estilong Ehiptiyanong pagbigkas, at sa pagpapatibay ng matagal nang papel ng Ehipto bilang nangungunang tanglaw ng kahusayan sa Quran at maliwanag na pag-aaral ng relihiyon.

 

3495398

captcha