IQNA

Yayasan Restu sa Malaysia Maglulunsad ng Proyekto para sa Sentrong Quraniko sa Gaza

14:22 - November 16, 2025
News ID: 3009084
IQNA – Isang grupo ng Malaysiano na mga NGO, pinamumunuan ng Ops Ihsan ng Yayasan Restu, ang nagpaplanong magtayo ng isang bagong sentro sa Gaza Strip na nakalaan para sa pagsasalin ng Quran at sining Islamiko.

Malaysia’s Yayasan Restu to Launch Project for Quranic Center in Gaza

Itatayo ng Yayasan Restu, sa pamamagitan ng inisyatibang Ops Ihsan, ang sentro para sa pagsasalin ng Quran at sining Islamiko sa Lungsod ng Gaza, bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na makatulong sa muling pagbangon ng Gaza batay sa kaalaman, sining, at kultura ng mga Palestino.

Ayon sa hepe ng Ops Ihsan na si Jismi Johari, ang proyekto—na katuwang ang Malaysian Humanitarian Aid and Relief (MAHAR), Muslim Care Malaysia, at Haluan—ay popondohan sa pamamagitan ng mga donasyong waqf mula sa publiko, na may tinatayang kabuuang gastos na RM10 milyon. “Ang RM10 milyon ang tinatayang kabuuang halaga para sa pagtatayo ng gusali, gastusin sa edukasyon at pagsasanay ng mga tagasalin, paghahanda ng mga materyales, at iba pang mga pangangailangan. Magsisimula ang mga kursong may kinalaman sa Islamikong kaligrapya at pagsasalin ng Quran sa sandaling makakuha kami ng angkop na lokasyon sa Lungsod ng Gaza.”

“Layunin din ng proyektong ito na lumikha ng mga pagkakataon sa trabaho para sa mga taga-Gaza at magtatag ng isang sentrong may iba’t ibang mga pasilidad kagaya ng mga klase, mga kurso, at aklatan, habang sinusuportahan ang pangangalaga ng sining at kulturang Palestino,” sabi ni Jismi, sino siya ring presidente ng MAHAR, sa isang pahayag noong Biyernes.

Idinagdag niya na ang proyekto ay hindi lamang isang karaniwang gusali kundi isang sagisag ng lakas ng pananampalataya at patunay na ang muling pagbangon ng Gaza ay dapat magsimula sa puso at kultura ng mga mamamayan nito. Samantala, sinabi ni Yayasan Restu pinunong ehekutibo na si Abdul Latif Mirasa na sa simula ay maglalathala ang Nasyrul Quran sa Putrajaya ng 100,000 na mga kopya ng Quran na ipapadala sa Gaza.

“Ganito namin ipinagpapatuloy ang aming pakikiisa sa Gaza—hindi lamang sa pamamagitan ng mga misyon ng tulong, kundi sa pamamagitan ng pagtatayo ng pundasyon para sa pagkatuto at sining para sa susunod na mga henerasyon.

“Tinatanggap din namin ang pakikipagtulungan at suporta mula sa mga organisasyon at publiko upang maging matagumpay ang proyektong ito,” dagdag niya.

Ang pagtatayo ng sentro ng transkripsyon ng Quran sa Gaza ay isinasagawa rin katuwang ang isang residente ng Gaza, si Abdul Rahman, sino nag-aral ng pagsasalin ng Quran sa Kolej Restu sa Shah Alam at kasalukuyang nakabase sa Gaza.

 

3495394

captcha