IQNA

Nagpunong-abala ng mga Panayam ang Moske ng Ehipto Tungkol sa 'Pamilya sa Seerah ng Banal na Propeta'

19:40 - August 01, 2025
News ID: 3008701
IQNA – Ang mga serye ng mga panayam tungkol sa “Posisyon at Kahalagahan ng Pamilya sa Seerah ng Banal na Propeta (SKNK)” ay ginanap sa mga moske sa buong Ehipto.

A scholar giving a lecture at a mosque in Egypt

Ang Kagawarang Ehiptiyano ng Awqaf ay nag-organisa ng 684 na mga panayam sa lahat ng mga lalawigan ng bansa sa ilalim ng salawikain na "Ang pinakamabuti sa inyo ay yaong pinakamabuti sa kanilang mga pamilya, at ako ang pinakamahusay sa aking pamilya; ang Seerah ng Propeta (SKNK) ay isang halimbawa sa pagsuporta sa pamilya".

Inilagay ng kagawaran sa agenda ang pagpapatupad ng mga programang pang-edukasyon at pang-agham sa mga moske, alinsunod sa patakaran nito na maikalat ang katamtaman at maliwanag na kaisipan.

Ang mga panayam na ito ay nakatuon sa posisyon ng pamilya sa Islam, ang pangako ng Banal na Propeta (SKNK) sa pag-unlad at suporta ng pamilya, at ang mga prinsipyo at pundasyon na itinatag ng Propeta (SKNK) sa pakikitungo sa pamilya, kabilang ang kabaitan, katarungan, at katapatan.

Binigyang-diin din nila kung paano ang Seerah ni Propeta Muhammad (SKNK) ang pinakamagandang modelo para sa buhay pamilya batay sa pagmamahal, paggalang, at pag-unawa.

Sa pamamagitan ng mga programang ito, hinahangad ng kagawaran ng Awqaf na itatag ang tunay na pagpapahalaga ng pamilya sa lipunan at bigyang-diin na ang katatagan ng pamilya ang pangunahing haligi ng paglikha ng isang malusog na lipunan, at ang patnubay at payo ng Banal na Propeta (SKNK) ay angkop na sanggunian para sa pagpapalaki ng mga anak at pagtataguyod ng paggalang sa isa't isa sa mga kasapi ng pamilya.

Ang mga panayam, na alin tumanggap ng malawakang pakikilahok ng publiko, ay epektibo sa pagkilos ng papel ng mga moske bilang isang sentro ng kamalayan at pang-edukasyon na nagsisilbi sa mga isyu sa lipunan at nagtataguyod ng mga halaga at etika, sabi ng kagawaran.

 

3494068

captcha