IQNA

Pandaigdigang Digital Quraniko na mga Inisyatiba ng Pagbigkas na Inilunsad sa Mekka

16:32 - August 06, 2025
News ID: 3008717
IQNA – Mga serye ng pangunguna sa Quraniko na mga proyekto ang inilunsad sa Mekka na may layuning maglingkod sa Banal na Aklat.

Digital Quran

Pinasinayaan ng Kalihim-Heneral ng Muslim World League (MWL) at Pangulo ng Association of Muslim Scholars Sheikh Mohammed Al-Issa ang mga inisyatiba.

Kasama sa paglulunsad ang pagbubukas ng "First Coordinating Forum for Global Digital Quranic Reading Platforms," ang ang paglalahad ng "Global Digital Quranic Reading Portal," at ang pagtatatag ng unang asosasyon sa mundo na nakatuon sa digital na pagbibigkas ng Quran.

Ang kaganapan, na dinaluhan ng nangungunang mga iskolar, mga mananaliksik, at mga magsasanay sa pagbigkas at edukasyon ng Quran, gayundin ng mga kinatawan mula sa 50 pandaigdigang digital na plataporma sa pagbigkas ng Quran, ay nagbigya-diin ng masulong na mga pagsisikap na ituro at bigkasin ang Quran nang malayuan sa pamamagitan ng modernong mga teknolohiya sa komunikasyon.

Malugod na tinanggap ni Sheikh Al-Issa ang mga panauhin, na idiniin na ang mga hakbangin na ito ay nakaayon sa misyon ng MWL na palakasin ang pagkakaisa ng Muslim Ummah at pagsilbihan ang Banal na Quran.

Sa ngalan ng mga kalahok na plataporma, pinuri ni Dr. Ahmed Jamil mula sa Indonesia ang pang-agham at teknikal na pananaw ng MWL sa pag-uugnay sa mundo sa Quran at pinapadali ang pagkatuto at pagwawagi nito ayon sa itinatag na mga prinsipyo.

Ang apat na mga sesyon ng pagtitipon ay sumasaklaw sa mga paksa kabilang ang mga regulasyon para sa pagbibigay ng Quraniko ijazah (sertipikasyon) sa pamamagitan ng digital na mga plataporma, pagbuo ng mga kagamaitan na pang-edukasyon para sa malayuang pagtuturo ng Quran, koordinasyon ng pandaigdigan na mga pagsisikap sa digital na pagbigkas ng Quran, at ang pagtatanghal ng mga makabagong teknolohiyang nakabatay sa mga inisyatiba sa pagtuturo ng Quran.

Global Digital Quranic Reading Initiatives Launched in Mecca

Kabilang sa pangunahing mga rekomendasyon ng pagtitipon ay ang paglikha ng "Global Association for Digital Quranic Reading Platforms" sa ilalim ng MWL upang magsilbing pandaigdigan na katawan para sa pangangasiwa at pagbuo ng digital na pagbigkas ng Quran.

 

3494113

captcha