IQNA

Quran, Ashura ang Tema ng Eksibisyon ng Sining sa Kashmir

5:37 - August 25, 2025
News ID: 3008773
IQNA – Isang Quraniko at relihiyosong eksibisyon ng sining na pinamagatang “Ang Sining ng Debosyon, Pag-ibig at Ashura” ang inorganisa sa Gandhi Bhawan, Unibersidad ng Kashmir, sa Srinagar, Kashmir na nasa ilalim ng pamamahala ng India, nitong Huwebes.

A Quranic and religious art exhibition titled “The Art of Devotion, Love & Ashura” was organized at Gandhi Bhawan, University of Kashmir, in Srinagar, Indian-administered Kashmir, on August 21, 2025.

Ang eksibisyon na inorganisa ng Tebyan Quranic Research Institute ay nagtipon ng higit sa sandaang mga pinta at likhang kaligrapiya mula sa mga baguhan at beteranong alagad ng sining, na nakasentro sa mga tema ng Quran, Karbala, espiritwalidad, at debosyon. 

Pinangunahan ang pagbubukas ng eksibisyon ng Tagapagtala ng Unibersidad ng Kashmir na si Propesor Naseer Iqbal, at dinagsa ito ng daan-daang mga mag-aaral, mga guro, kabataan, at mga mahilig sa sining na nagtungo sa Bulwagan ng Gandhi Bhawan upang masaksihan ang natatanging pagsasanib ng pananampalataya at malikhaing pagpapahayag.

Ayon kay Arshid Sauleh, sino isang batikang alagad ng sining sa Kashmir na lumahok din sa eksibisyon, nagbigay ito ng pagkakataon sa mga kabataang artista upang sumubok ng kaligrapiya at matalinghagang sining. “Dalawa sa aking mga pinta ang naipakita sa eksibisyon.

“Pinag-uugnay ko ang Quran at tanawin, at ginagamit ko ang mga talata ng Quran sa makabagong sining. Hindi ako gumagawa ng tradisyunal na kaligrapiya; ito ay kaligrapiya sa anyo na may pandaigdigan na himig. Kabilang dito ang paggamit ng iba’t ibang mga bagay sa isang kosmikong anyo,” paliwanag niya.

Idinagdag niya na dahil ang eksibisyon ay nakatuon kay Imam Hussein (AS), gumamit siya ng mga talata mula sa Quran sapagkat si Imam Hussein (AS) ang praktikal na pagsasakatawan ng Quran. “Magkasama ang Quran at ang Ahl-ul-Bayt (AS) at hindi sila maaaring paghiwalayin,” sabi niya.

Binigyang-diin din ni Sauleh na kailangang matuto pa ang mga kabataang artista tungkol sa mga materyales, paghahati ng espasyo, at teknikal na mga aspeto upang mas mapaunlad ang kanilang malikhaing mga pagpapahayag. 

Ipinunto ni Aga Syed Abid Hussaini ng Tebyan Quranic Research Institute ang kahalagahan ng pag-uugnay ng mensahe ng Karbala sa mga aral ng Quran. “Nagsagawa na kami noon ng isang eksibisyon tungkol sa Quran, ngunit itong pagkakataon ay inuugnay ang Quran at Karbala na mahalagang maunawaan. Ang mga pinta na ipinakita ay mas makabuluhan pa kaysa sa isang mahabang talumpati. Nagtataglay ang mga ito ng malalim na kahulugan at pagpapahayag,” sabi niya. “Mahalagang maunawaan na ang Karbala at ang Quran ay hindi magkaiba, at ang kabuluhan nito sa makabagong panahon ay higit kaysa dati. Kailangang ilantad ang tamang pananaw sa publiko,” dagdag pa ni Hussaini. Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa mga lumahok at sa pamunuan ng Unibersidad ng Kashmir sa pagbibigay ng pahintulot para sa pagpunong-abala ng eksibisyon.

Ipinakita rin sa eksibisyon ang mga gawa ng mga artistang sina Tasaduq Hussain, Irfan Hussain, Ishfar Ali, at Mohammad Afzal, habang ilang mga miyembro ng guro kabilang si Dekano ng Kapakanan ng mga Mag-aaral na si Prop. Parvez Ahmad, Opisyal ng Pangkultura si Shahid Ali Khan, at Dr. Abid Gulzar ay dumalo rin at pinuri ang pagsisikap ng mga artista at mga kaligrapo.

Nagbigay naman ng panibagong larangan sa kaganapan si Ilyas Rizvi sa pamamagitan ng pagtatanghal ng emosyonal na aspeto ng Kashmiri Azadari sa isang presentasyong potograpiko na pinamagatang Mahq-e-Arbaeen na nagpakita ng tradisyunal na mga prusisyon ng Muharram. Ang kanyang dokumentasyon sa larawan ay nagbigay ng masiglang salaysay ng debosyon at pagluluksa sa kulturang Kashmiri. Ipinakita rin ang digital na sining ni Mubashir Hussain.

Isa sa mga bumisita, si Muhammad Saqlain, ay naglahad na ang tunay na sining ay higit pa sa nakikitang mga patong ng kulay. “Higit pa sa mga kulay, na alin bahagi lamang ng proseso ng sining, mahalaga na maunawaan ang mismong pagpapahayag ng sining. Iyon ang tunay na sining. Sa likod ng mga kulay naroon ang totoong kuwento na nasa isipan ng artista,” sabi niya, na nagturo sa damdamin na lalim ng mga pinta.

Isang nakaaantig na sandali ang nagmula kay Syed Hyder Abbas, isang batang pumapasok pa sa paaralan, sino nagpaliwanag ng tema ng kanyang sariling obra. “Ipinapakita ng aking gawa si Hazrat Sakeena, anak na babae ni Imam Hussein (AS), na niyayakap ang kanyang ama sa gitna ng labanan sa Karbala, at ang mga tolda ng Ahl-ul-Bayt (AS) ay nasa gilid,” sabi niya. Ang kanyang pinta, puno ng kawalang-sala at malalim na simbolismo, ay gumuhit ng paghanga mula sa mga dumalo na nakaramdam na naipakita nito ang diwa ng sakripisyo at pagmamahal.

Nagpahayag din si Aga Syed Hadi, sino dumalo sa eksibisyon, tungkol sa kahalagahan ng ganitong mga pagsisikap sa makabagong panahon. “Ang pagpapahayag ng Quran at Ashura sa pamamagitan ng pagpipinta ay napakahalaga sa kasalukuyan, at higit na mahuhubog ang sining ng mga kabataan sa ganitong mga plataporma. Kailangan nilang ipagpatuloy ang paggamit ng kanilang pagkamalikhain upang maipahayag ang mga walang hanggang katotohanang ito,” sabi niya. 

Ayon sa mga tagapag-ayos, ang pagsasanib ng debosyon, malikhaing guniguni, at kasaysayang alaala ang siyang nagbigay ng kahalagahan sa “Ang Sining ng Debosyon, Pag-ibig at Ashura” bilang isang makabuluhang karanasang pangkultura at espiritwal sa Unibersidad ng Kashmir.

 

3494348

captcha