IQNA

Si Qassem Moqaddami sa Hanay ng Iranianong mga Qari na Nagbabasa ng Quran sa Karbala sa Arbaeen 2025

6:55 - August 25, 2025
News ID: 3008777
IQNA – Si Qassem Moghaddami ay isang kilalang Iranianong qari sino kabilang sa Arbaeen na Quranikong kumboy ngayong taon.

Iranian qari Qassem Moghaddami

Nagbasa siya ng Quran sa kahabaan ng ruta ng Arbaeen at sa iba’t ibang mga Moukeb (mga himpilan ng serbisyo) at sa banal na dambana ni Imam Hussein (AS) sa Karbala. Ang Arbaeen Quranikong kumboy ngayong taon, na tinawag na “Imam Reza (AS)” Quranikong kumboy, ay binubuo ng mahigit 80 na mga qari at mga magsasaulo ng Quran, kabilang ang mga mambabasa mula sa 13 iba’t ibang mga nasyonalidad.

Ang seremonya ng pagluluksa para sa Arbaeen, na tumapat noong Agosto 14 ngayong taon, ay isa sa pinakamalalaking pagtitipon panrelihiyon sa buong mundo.

Ito ang nagmamarka ng ika-40 na araw matapos ang Ashura, ang anibersaryo ng pagkabayani ng apo ni Propeta Muhammad (SKNK), si Imam Hussein (AS).

Bawat taon, napakaraming Shia ang dumadagsa sa Karbala, kung saan naroroon ang banal na dambana ni Imam Hussein (AS), upang magsagawa ng mga ritwal ng pagluluksa. Ang mga peregrino, karamihan mula sa Iraq at Iran, ay naglalakad ng mahahabang ruta patungo sa banal na lungsod. Nagpapadala rin ang Iran ng Quranikong kumboy sa Iraq tuwing prusisyon ng Arbaeen.

Ang mga kasapi ng kumboy ay nagsasagawa ng iba’t ibang mga programang Quraniko at panrelihiyon, kabilang ang pagbabasa ng Quran, Adhan (panawagan sa pagdadasal), at Tawasheeh, sa kalsada sa pagitan ng Najaf at Karbala at sa iba pang mga lugar sa panahon ng martsa ng Arbaeen. Ang kumboy ngayong taon ay kumikilos sa ilalim ng pamagat na Imam Reza (AS) Kumboy.

 

3494365

captcha