IQNA

Lumabas ang mga Taga-Yaman sa mga lansangan upang Kondenahin ang Pagsira sa Quran sa US at ang mga Kalupitan ng Israel sa Gaza

18:13 - August 31, 2025
News ID: 3008797
IQNA – Nagsagawa ng malalaking kilos-protesta ang mga tao sa buong Yaman noong Biyernes upang kondenahin ang mga krimen ng Israel sa Palestine at ang kamakailang pagsira sa Quran sa Estados Unidos.

Massive demonstrations were held across Yemen on Friday, August 29, 2025, to denounce the Israeli crimes in Palestine and the recent Quran desecration in the United States.

Idinaos ang malalaking martsa sa ilalim ng panawagang “Kasama ang Gaza: Jihad at Katatagan… Galit para sa Dumanak na Dugo at Nilapastangang mga Sagrado.” Ginawa ito sa kabisera ng Sana’a at sa iba’t ibang mga lalawigan ng Yaman, na kinokondena ang lumalalang mga krimen ng Zionista laban sa mga tao ng Gaza, ipinagtatanggol ang Banal na Aklat ng Diyos, at tinatanggihan ang paglapastangan dito ng isang tagahaga na Amerikano Zionista.

Ang mga mamamayang Taga-Yaman, na may hawak na mga kopya ng Quran, ay nagpahayag ng kanilang kahandaan na ipagtanggol ang Banal na Aklat at ang Moske ng Al-Aqsa. Itinuring nila ang pagtutok ng Amerikano-Zionista sa mga sagradong ito bilang malinaw na ebidensiya ng matinding galit at poot laban sa Islam at sa mga Muslim.

Kinondena ng mga kalahok ang pananahimik ng mga rehimeng Arabo at Muslim sa harap ng ganitong mga paglabag at pang-iinsulto sa mga simbolo at mga sagrado ng Islam, na binibigyang-diin na sinumang hindi natitinag sa paglapastangan sa Quran at sa mga sagrado ay tiyak na hindi makakagawa ng tunay na paninindigan laban sa ekspansionistang plano ng mga Zionista, kahit pa umabot ito sa mismong pintuan nila.

Sa kanilang paglabas sa mga lansangan sa napakaraming bilang—isang araw lamang matapos bombahin ng Zionista ang sibilyang mga lugar sa Sana’a—nagpadala ang mga Taga-Yaman ng mensahe ng pagtutol laban sa kriminal na kaaway na Israel at mga tagasuporta nito, na muling pinagtitibay na ang mga banta at mga sabwatan, gaano man kalubha, ay hindi makakayanig sa matatag na paninindigan ng Yaman sa pagsuporta sa mga Palestino at sa kanilang bayani at makasaysayang paglaban. 

Muling pinagtibay ng “Mga Tao ng Pananampalataya at Karunungan” ang kanilang malalim at di-maihihiwalay na ugnayan sa Diyos, sa Kanyang Sugo, at sa Kanyang Aklat, at ang kanilang pagpapasya na ipagpatuloy ang landas ng jihad at paglaban upang ipagtanggol ang mga layunin at mga sagrado ng Ummah, sa kabila ng lahat ng mga pakana ng mga kaaway nito. 

Higit pang kinondena ng mga nagprotesta ang pagkabigo ng pandaigdigang pamayanan na pigilan ang kalamidad at trahedyang gawa ng tao na idinulot ng rehimeng Israel sa Gaza — na inilarawan bilang pinakamatindi sa lahat — dahil sa matinding kalagayang makatao at pangkalusugan na dulot ng sinadyang pag-gutom sa mga mamamayan, pagpigil sa tulong at gamot, at kasabay na kampanya ng pambobomba na winawasak ang buong Gaza Strip. 

Mariing kinondena ng mga nagkakaisang tao ang pagsunog ng isang kopya ng Banal na Quran sa Estados Unidos ng isang tagahanga ng Amerikano Zionista, na inilarawan ito bilang hayagang paglabag at pang-uudyok sa damdamin ng lahat ng mga Muslim sa buong mundo. Nagbabala sila laban sa patuloy na pag-uulit ng ganitong paglapastangan sa mga sagrado ng Islam, dahil ito ay walang iba kundi isang deklarasyon ng digmaan laban sa mga Muslim.

Muling pinagtibay nila na ang agresyon ng mga Zionista, kabilang ang mga pag-atake sa mga pasilidad at mga sibilyan sa Sana’a, ay lalo lamang magpapatatag sa paninindigan ng mga Taga-Yaman at magpapatibay sa kanilang prinsipyo sa pagsuporta sa Palestine hanggang sa matapos ang agresyon at maalis ang pagkubkob sa Gaza.Itinaas ng mga tao ang mga watawat ng Yaman at Palestine, pati na rin ang mga bandila na bumabati sa nalalapit na anibersaryo ng kapanganakan ng Propeta ng Awa at Sangkatauhan (SKNK). Ipinahayag nila ang kanilang galak at katapatan bilang mga inapo ng Ansar, na pinagtitibay ang kanilang pagmamahal at katapatan sa Banal na Propeta (SKNK) at ang kanilang pagsunod sa kanyang landas.

 

3494419

captcha